Andrea gabi-gabing pinaiinit ang mga kalalakihan at tibo | Bandera

Andrea gabi-gabing pinaiinit ang mga kalalakihan at tibo

Ervin Santiago |October 25,2016
facebook
share this

Andrea gabi-gabing pinaiinit ang mga kalalakihan at tibo

Ervin Santiago - October 25, 2016 - 12:20 AM

ANDREA TORRES

ANDREA TORRES

LUMABAS ang pagiging versatile actress ni Andrea Torres sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood.

Isa si Andrea sa mga inaabangan ngayon ng manonood sa nasabing serye na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, lalo na ng mga kalalakihan. Nagmumura kasi lagi ang kaseksihan ng Kapuso sexy actress sa kanyang nga eksena.

In fairness, mas dumami pa ang male fans ni Andrea mula nang magsimula ang Alyas Robin Hood. Sa social media nga ay very open sa kanilang paghanga ang mga male netizens kay Andrea, kabilang na riyan ang mga tibo.

Kaya naman nagpapasalamat si Andrea sa suportang ibinibigay ng publiko sa kanilang serye na patuloy pa ring humahataw sa ratings game.

Sey naman ni Dingdong, mas lalo pa nilang pagagandahin ang bawat episode ng programa para masulit ang gabi-gabing pagsubaybay ng manonood sa kanila.

Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng Alyas Robin Hood, narito ang mga eksenang hindi n’yo dapat palampasin tonight.

Hindi alam ni Venus (Andrea), kanina pa siya sinusundan ni Nancy (Ryza Cenon). Nakaramdam na rin ng kaba si Pepe (Dingdong) sa kabilang linya, kaya agad niyang sasabihan si Venus na i-abort ang mission.

Pero huli na ang lahat. Nahuli na ni Nancy si Venus. Mag-aaway ang dalawa at darating na rin si Pepe to save his friend. Pero kaya na raw ni Venus si Nancy.

Pepe runs to Dr. Benitez, and asked him kung bakit dinoktor nito ang autopsy report ng kanyang ama. Hindi sasagutin ng doktor ang tanong at kung anu-ano ang ibabatong gamit kay Pepe. Pepe sees the baby na anak nina Ipeng at Isay, at agad niya itong kukunin at mabilis na tatakas.

Samantala, nahuli na rin si Nancy with the help of Daniel (Paolo Contis). Nalaman na rin nilang kasabwat si Nancy sa kidnapping ring na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naibalik na rin ni Pepe ang baby kay Sarri (Megan Young), at tuwang-tuwa naman ang dalaga. But as Dr. Benitez seemed to be unconscious, Pepe asked him kung sino ang nag-frame-up sa kanya. Dr. Benitez tells Pepe na si Wilson Chan (Dennis Padilla) ang may pakana ng lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending