Trending agaw-eksena moments sa Star Awards for Tv and Music | Bandera

Trending agaw-eksena moments sa Star Awards for Tv and Music

Djan Magbanua |October 24,2016
facebook
share this

Trending agaw-eksena moments sa Star Awards for Tv and Music

Djan Magbanua - October 24, 2016 - 03:42 PM
CvdNdmTVMAAMAc8 KUNG inaakala n’yong sa 2016 Star Magic Ball lang may mga agaw-eksena moments, nagkakamali kayo dahil marami ring pinag-usapang celebrities sa katatapos lang na PMPC Star Awards for M-TV (Music and Television). Jake Ejercito, nagpasalamat sa AlDub Nation, inalay kay sa anak ang award   Forever inspiration ni Jake ang kanyang anak kay Andi Eigenmann na si Ellie, pinatunayan niya ito nang banggitin ng binata ang anak sa kanyang acceptance speech matapos magwaging Best New Male TV Personality. Nagpasalamat din siya sa AlDub Nation, “Salamat at hindi kayo nagalit sa akin!” Ria Atayde, naiyak sa sobrang kaligayahan   Mixed emotions that night ang anak ni Sylvia Sanchez na si Ria. Well, ayon nga sa dalaga napakasaya niya dahil nagagawa niya ang matagal na niyang gustong gawin, ang umarte sa harap gn camera. Oo nga naman, what more kung bibigyan pa ng recognition ang ginagawa mo, di ba? Maiiyak ka talaga. Bangs ni Janella Salvador “may sariling buhay”   Very pretty naman si Janella Salvador sa gabi ng parangal at mas lalo pang gumanda ang young actress dahil siya ang itinanghal na Best New Female Recording Artist. Sabi ng ilang followers ni Janella, lucky charm ng dalaga ang kanyang bangs. Nakaka-miss daw ito sabi ng ilang mga fans niya. Sam Concepcion’s Kalsada Performance Ang angas! Wala na kaming masasabi pa. Friendship goals nina Kristoffer Martin at Alden Richards “Got your back bro!’ Yan ang peg ng dalawang Kapuso actors. Hindi kasi nakadalo si Alden sa PMPC Star Awards kaya nag-proxy muna itong si Kristoffer dahil nandoon na rin siya para tanggapin ang kanyang Best Single Performance by an Actor award. Fun time with Luis Manzano Although wala akong pictures bilang ebidensya, maniwala kayo na halos magkaroon na ng stampede nang pagkaguluhan si Luis pagkalabas niya sa hallway ng Novotel Hotel. Game na game naman na nagpa-picture ang binata at nakipagbiruan pa sa mga Tita’s of Manila na lumapit sa kanya. Dancing with the Diamond Star Pagpasok pa lang ni Maricel Soriano sa venue ay naghiyawan na ang mga manonood. Todo pa-picture din ang mga fellow stars niya sa kanya. At nang sayawin nga ng very sexy na si Yassi Pressman ang mga pinasikat niyang dance hits, naku, dumagundong na ang buong Novotel. “Wag kayong tatawa!” babala ni Maricel sa audience nang maglabas ng reading glasses para basahin ang kanyang acceptance speech nang tanggapin niya ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award. May iyakan portion part two pang naganap nang bumaba sa stage si Maricel at yumakap kina Nova Villa, Manilyn Reynes, Claudine Barretto at Jennylyn Mercado na katabi niya sa upuan. Sexy and sultry Jennylyn Mercado Naalala ko ang laging tanong sa akin kapag umoorder ng chicken sa fastfood. Thigh or breast? In this case with hot momma Jen, hindi ko alam dahil prominent ang boobs at thigh niya sa kanyang gorgeous green dress. Sexy? Sultry? Kulang pa yan para i-describe ang hotness ng isang Jennylyn Mercado. “Hi ako nga pala yung sinayang mo.” Yan ang feeling namin na naging dialogue ni Jen sa kanyang isip nang magkaharap sila uli ni Luis Manzano sa stage ng Star Awards for TV. Sayang nga lang at hindi na namin nahabol si Jen para hingan ng comment tungkol sa muling pagkikita nila ni Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending