Kailan magkaka-boyfriend? | Bandera

Kailan magkaka-boyfriend?

Joseph Greenfield |October 24,2016
facebook
share this

Kailan magkaka-boyfriend?

Joseph Greenfield - October 24, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Jhelay ng Sto Nino, Lapasan,  Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
Magtu-29 na po ako sa October 30 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Bakit po kaya hindi pa ako nagkaka-boyfriend samantalang iyong ibang mga friends ko nakaka-apat na boyfriend na at i-yong iba ko friends ay may kanya-kanya nang pamilya? Kaya nais kong malaman ay kung kailan ako magkaroon ng boyfriend at kung kailan ako makapag-aasawa? Ang isa pa, bat ganon, maganda naman ako pero pansin ko parang hindi ako ligawin samantalang iyong isa kong kaibigan na hindi naman kagandahan ang daming naging boyfriend?
Umaasa,
Jhelay ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag ka ng malungkot dahil kapansin-pansin ang kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa malapit na hinaharap, maaaring sa taon ding ito ng 2016, sa edad mong 29 pataas, bigla ang magaganap – magkaka-boyfriend ka na rin sa wakas hatid ng isang lalaking may kayumangging kulay ng balat.
Cartomancy:
Ang Queen of Spades, Queen of Clubs at Jack of Clubs (Illustration 1.) ang nagsasabing natutulad ang iyong karanasan sa ganitong senaryo: “May isang babaing matagal ding nalungkot sa buhay, pero ng may dumating na lalaking halos kasing edad nya rin, nabuhayan ng loob, sumigla ang pakiramdam, hanggang sa natutong magmahal at ng bandang huli ng dahil sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ay lumigaya na ng lubos habambuhay.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending