Horoscope, October 24, 2016 | Bandera

Horoscope, October 24, 2016

Madam Sophia |October 24,2016
facebook
share this

Horoscope, October 24, 2016

Madam Sophia - October 24, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kakaibang pag-ibig ang mararanasan. Mag-ingat sa mga haling na suyuang mauuwi lamang sa ka-immoralan. Sa pinansiyal, unti-unting aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi habang lumalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 27, 37, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”. Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Fire o init ang elementong taglay ng Aries. Ang negosyong kandila ang mag aangat ng kabuhayan patungo sa pag-unlad ngayong Halloween Season. Sa pag-ibig tuloy ang masayang pakikipa-relasyon sa isang Leo. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, ngitian ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, patawarin ang kasuyo na malimit magkasalan. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Purple at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansyal, kung sadyang nagigipit sa aspetong pananalapi humingi ng tulong sa isang Aquarius, hindi ka nya matatanggihan. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang alalahanin, malaki ang maitutulong nya upang maibsan ang iyong problema. Mapalad ang 5, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ang dagdag na suwerte at kaligayan ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang isang kadugo nangangailangan upang lalo kang suwertehin sa aspetong pangpinansyal. Sa pag-ibig, naiinip nang naghihintay ang isang Capricorn, pagbigyan mo na siya. Mapalad ang 3, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat may magandang kapalarang naghihintay. Sa pananalapi, higit kang kikita ng malaking halaga sa pangi-ngibang bansa. Sa pag-ibig, sa abroad makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Gold at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Isang maikli ang buhok at cute ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sa iyong mga problema. Sa pag-ibig, kung paiiklian ang buhok higit kang magiging kaakit-akit. Mapalad ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Karma-Ashana.” Silver at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Isang kaibigang may hatid na mabuting balita ang darating, isososyo ka niya sa isang produktong magpapaangat sa iyong kabuhayan – sunggaban ang minsang pagkakataon! Sa pag-ibig, isang dating kakakilala ang lihim mong makakarelas-yon. Matamis at masarap na ugnayan ang mabubuo. Mapalad ang 2, 17, 29, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Visnu-Vidya.” Orange at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pananalapi, lalong uunlad ang kabuhayan kung iiwasan ang kaimmoralan. Sa pag-ibig, tandaan ang maling relasyon ay lilipas din, wag magpatianod sa kapusukan. Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mag-alaga ka ng kahit na anong uri ng ha-yop upang suwertehin. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sa iyong business site. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang kwintas na may desenyong ibon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Naraya.” Pink at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugan pagmumukha ang higit na umuunlad at yumayaman. Kung medyo chubby ka na ngayon, ibig sabihin malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, isang payat ang lihim na humahanga sa iyo. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty is in the eye of the beholder.” Red at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi ang panlabas na anyo ang nagpapaligaya, bagkus ang nasa kalooban ng puso! Iwasang humanga sa mga magagandang babae o sa mga magagandang lalaki, kabiguan lang ang mahihita mo sa kanila. Mas bigyan diin ang mabuting ugali ng isang tao. Sa pinansyal, tama ka aanihin mo ang maraming-maraming pera, kung bokya pa rin sa pag-ibig. Mapalad ang 3, 21, 18, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Krato-Om-Joviyo.” Blue at brown ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Upang lalo pang umasenso gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo. Sa pag-ibig, isantabi mo na ang puso, sa panahon ngayon salapi ang higit na mas mahalaga at dapat pahalagahan. Mapalad ang 1, 14, 19, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pera-pera lang, Walang personalan!” Mint green at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending