Star Magic Ball 2016 inialay sa mga biktima ng super typhoon Lawin | Bandera

Star Magic Ball 2016 inialay sa mga biktima ng super typhoon Lawin

Ervin Santiago |October 24,2016
facebook
share this

Star Magic Ball 2016 inialay sa mga biktima ng super typhoon Lawin

Ervin Santiago - October 24, 2016 - 12:01 AM

star magic ball 2016

MAKABULUHAN ang naganap na 2016 Star Magic Ball noong Sabado ng gabi na dinaluhan ng mahigit 300 Kapamilya celebrities and ABS-CBN executives.

Isang bahagi ng selebrasyon ang inialay sa mga kababayan nating nasalanta ng Super Typhoon Lawin sa iba’t ibang panig ng bansa. Dito nag-pledge ng kanilang mga donasyon ang mga bossing ng ABS-CBN at ng mga Star Magic artists. Kasabay nito ang announcement na ang proceeds ng nasabing annual event ay mapupunta sa typhoon victims.

Siyempre, present sa taunang Star Magic Ball sina ABS-CBN Chief Content Officer Charo Santos with her escort John Lloyd Cruz, President Carlo Katigbak, Chairman Gabby Lopez, Head of Finance for Broadcast and News & Current Affairs Cat Lopez at ang Star Magic boss na si Johnny Manahan.

Dumating din sa party sina Sen. Sonny Angara with wife Tootsie, Sen. Grace Poe and Davao del Norte Anton Lagdameo with wife Dawn Zulueta.

Ilan naman sa nakisaya sa event na mga non-Star Magic artists ay sina international racer Marlon Stockinger with friend Matteo Guidicelli, Luis Manzano with his date Jessy Mendiola, Billy Crawford and Coleen Garcia, Karla Estrada, Arci Muñoz, Ellen Adarna, Kyla, Jay-R at Morissette Amon.

Binigyan din ng pagkilala ang dalawa sa mga itinutu-ring nang pader ng ABS-CBN, sina ABS-CBN chairman Gabby Lopez at ABS-CBN executive Freddie M. Garci. Kasabay nito ang bonggang production numbers nina CJ Navato, Kristel Fulgar, Bailey May, Ylona Garcia, Darren Espanto at Alexa Ilacad.

Nag-perform din sina Martin Nievera na nagsilbi ring host ng event, Richard Poon, KZ and Jona.
Inabangan din ng lahat ang traditional cotillion ng ball na pinangunahan nina Tommy Esguerra at Miho Nishida, Sofia Andres at Diego Loyzaga, McCoy de Leon at Elisse Joson, Sue Ramirez at Ronnie Alonte, Grae Fernandez at Kira Balinger, Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Si Piolo Pascual naman ang nag-offer ng makasaysayang toast para kina Gabby Lopez at FMG. Among the stars who are part of the special toast were John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Xian Lim, Kim Chiu, Sam Milby, Gerald Anderson, Bea Alonzo, Maja Salvador, Zanjoe Marudo, Jodi Sta. Maria at ang tambalan nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, Liza Soberano at Enrique Gil at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nagbigay din ng special awards during the event, waging Male and Female Stars of the Night sina Gabby Lopez at Charo Santos habang sina Liza Soberano at Zanjoe Marudo ang tinanghal na Best Dressed stars. Couple of the Night naman sina Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Ang Magpahanggang Wakas lead actor namang si Jericho Rosales ang nakatanggap ng Star Magic Icon award for his enduring career in the business.

q q q

As expected si Luis Manzano nga ang ka-date ni Jessy Mendiola sa Star Magic Ball 2016. At kahit hindi pa umaamin ang dalawa sa kanilang relasyon ay kitang-kita na ang katotohanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kahit na bina-bash si Janella Salvador ng ilang fans ni Janine Gutierrez, pumayag pa rin siyang ma-ging ka-date ni Elmo Ma-galona sa event. At in fairness, mukhang hindi naman sila affected sa mga intriga na may konek sa paghihiwalay nina Elmo at Janine.

Hindi na rin maitatago nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang kanilang relasyon, sabi nga nila, action speaks louder than words. Hindi na nila kailangang magsalita pa para ibandera sa buong mundo na nag-kabalikan na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending