Kris eksenadora, gamit na gamit sina James at Bimby sa natutuyot na career | Bandera

Kris eksenadora, gamit na gamit sina James at Bimby sa natutuyot na career

Cristy Fermin |October 24,2016
facebook
share this

Kris eksenadora, gamit na gamit sina James at Bimby sa natutuyot na career

Cristy Fermin - October 24, 2016 - 12:10 AM

kris bimby at michela

Nagpakumbaba na nga si Kris Aquino pero nakatanggap pa rin siya ng mga upak mula sa mga netizen.

Siya na nga ang nag-reach out kay James Yap para magkita si Bimby at ang younger brother nitong si Michael James pero puro negatibong komento pa rin ang inani ng aktres-TV host sa social media.

Buong-ningning na ipinost ni Kris ang magkasama nilang retrato nina Bimby at Michela Cazzola, pinasalamatan niya sina James at Mic sa mainit daw na pag-aasikaso sa kanilang mag-ina, sa wakas daw ay nagkita na rin ang magka-patid sa ama.

Ayon kay Kris ay siya na raw ang nagkusang mag-reach out sa basketbolista para magkita sina Bimby at Michael James dahil anuman ang mangyari ay magkapatid pa rin ang dalawa.

Pero biglang nag-flashback ang mga kontra kay Kris, ilang linggo pa lang daw kasi ang nakararaan ay panay-panay ang bira niya kay James, pagkatapos ngayon ay ganyan na ang kanyang postura?

“Huwag na sana niyang gamitin ang bagong family ni James Yap para lang siya mapag-usapan. Tigang na tigang na kasi ang career niya, KSP pa siya, kaya kinailangan niyang gawin ang ganyan para lang mapag-usapan siya!” komento ng isang netizen.

May punto naman ang nagkomento, napakadali ka-sing nakalimot ni Kris, sariwang-sariwa pa sa isip ng mga kababayan natin ang mga bira niya sa ama ni Bimby.

Pero bago pa ba naman ‘yun kay Kris? Kaya niyang gawin ang kahit ano, kaya niyang sabihin ang kahit ano na parang wala lang, kaya bago pa ba naman ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending