Pinoy posibleng makapangisda na sa Scarborough shoal-Duterte | Bandera

Pinoy posibleng makapangisda na sa Scarborough shoal-Duterte

|October 23,2016
facebook
share this

Pinoy posibleng makapangisda na sa Scarborough shoal-Duterte

- October 23, 2016 - 05:11 PM

duterte-0517

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng makapangisda na ang mga Pinoy sa Scarborough shoal sakaling payagan na ng China matapos ang kanyang state visit sa naturang bansa.
“Baka… We’ll just wait for a few more days. Baka makabalik na tayo doon sa Scarborough Shoal, ang pangingisda ng ating mga kababayan,” sabi ni Duterte matapos bisitahin ang mga biktima ni supertyphoon Lawin sa Tuguegarao, Cagayan.
Nauna nang lumutang ang posibilidad na makapangisda na ang mga Pinoy sa Scarborough shoal matapos naman ang pangha-harass ng mga barko ng China sa mga mangingisda sa karagatang pag-aari ng Pilipinas.

“Iyon ‘yung ipinangako ng China na tutulong sa atin. Ako po’y nagpunta doon, wala ho kaming pinag-usapang armas, wala ho kaming pinag-usapang gera-gera o maglagay ng… Pinag-usapan namin kung papaano tayo magtulungan,” dagdag pa ni Duterte.
Bumalik si Duterte noong Biyernes ng gabi matapos naman ang kanyang state visit sa China kung saan naman niya idineklara ang pakikipagkalas sa Amerika.
Mula sa Tuguegarao, tumuloy si Duterte sa Ilagan, Isabela na isa pang matinding tinamaan ng supertyphoon Lawin para magbigay ng ayuda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending