P27M nakuha sa San Juan | Bandera

P27M nakuha sa San Juan

Leifbilly Begas |October 23,2016
facebook
share this

P27M nakuha sa San Juan

Leifbilly Begas - October 23, 2016 - 03:58 PM
lotto for site Isang mananaya sa San Juan City ang nanalo ng P27.5 milyon sa Lotto 6/42 na binola Sabado ng gabi.      Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo na tumaya sa F. Manalo st., ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 9-10-21-31-41-2.      Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong. Kung hind ito ay mapupunta sa Charity Fund ng PCSO na ipinantutulong nito sa mga nangangailangan.      Samantala nanalo naman ng tig-P21,910 ang 37 mananaya na nakakuha ng limang numero.      Tig-P380 naman ang 1,684 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 24,671 mananaya na nakatatlong numero.      Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending