Baklitang aktor sobrang daldal, ang sarap pakainin ng siling-labuyo | Bandera

Baklitang aktor sobrang daldal, ang sarap pakainin ng siling-labuyo

Cristy Fermin |October 23,2016
facebook
share this

Baklitang aktor sobrang daldal, ang sarap pakainin ng siling-labuyo

Cristy Fermin - October 23, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0316

GUSTONG panguyain ng siling-labuyo ng marami ang isang sobrang daldal na aktor-aktorang nagladlad na tungkol sa kanyang tunay na kasarian.

Sa kagustuhan siguro niyang magkaroon ng publisidad ay kung anu-anong rebelasyon ang kanyang ikinakalat, dakdak siya nang dakdak na parang wala nang bukas, masarap nga namang pakainin ng siling-labuyo ang baklitang ito.

Sabi ng isang galit na miron, “Hindi lang siling-labuyo, dapat din siyang painumin ng apdo! Sobrang daldakina ng hinayupak na ‘yun!

“Napakagutom kasi niya sa publicity, masaya siya kapag pinagpipistahan siya, kaya para palagi siyang pag-usapan, kung sinu-sino na lang ang iginagawa niya ng kuwento!” inis na inis na komento ng aming source.

Kahit pala nu’ng hindi pa naglaladlad ng kapa ang aktor-aktorang ito ay mahilig na talaga siyang magtsismis ng kung sinu-sino. Makuda na talaga siya.

Patuloy ng aming source, “Di ba, nu’ng minsang makakuwentuhan niya sa bar ang isang berdaderong becking aktor, e, kung sinu-sino na ang ikinukuwento niya? Becki raw si ganito at ganyan, parang feel na feel daw siya!

“Ang kapal ng mukha ng mokong na ‘yun, pero ang totoo, e, siya ang may type sa mga actor na ikinukuwento niya! Papansin ang taong ‘yun, type na type niyang pinag-uusapan siya. KSP!” madiin pang sabi ng aming source.

Bukod sa daldakina na kuno ang becki ay nakakatakot pa siyang maka-close dahil any moment ay kung anu-ano nang istorya ang ikakalat niya tungkol sa taong ‘yun.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling tumbukin kung sino ang dalahirang becki na ito, masarap siyang pakainin ng sili at painumin ng apdo, kesehodang isa pa siyang prinsipe kuno!” pagtatapos ng naiinis naming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending