Babala ni Dingdong: Huwag kayong magnakaw! | Bandera

Babala ni Dingdong: Huwag kayong magnakaw!

Ervin Santiago |October 23,2016
facebook
share this

Babala ni Dingdong: Huwag kayong magnakaw!

Ervin Santiago - October 23, 2016 - 12:20 AM

dingdong dantes

IBA talaga si Dingdong Dantes dahil kung ano ang role na ginagampanan niya, talagang isinasabuhay niya.

Tulad na lamang ng kanyang recent Instagram post kung saan sinasabi niyang huwag daw magnakaw at kasama pa niya ang co-star niyang si Paolo Contis habang nasa set ng serye nilang Alyas Robin Hood.

It’s so nice to know na akmang-akma ang tema ng mga eksena sa kanyang GMA Primetime show sa mga happenings around. Sabi nga ni Dingdong, mas inspirado silang magtrabaho ngayon at gagawin daw nila ang lahat para mas lalo pang mapaganda ang Alyas Robin Hood.

In fairness, paganda na nga nang paganda ang bawat episode ng serye, lalo na ngayong nagkakabukingan ng mga lihim. Kaya naman hindi na kami nagugulat na lagi silang panalo sa ratings gabi-gabi.

Congrats to Dong and the whole cast for a job well done. Napapanood ang Alyas Robin Hood after Encantadia sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending