JC Santos ‘pinatay’ sa Forever Sucks Season 2; Jasmine itatambal kay Felix | Bandera

JC Santos ‘pinatay’ sa Forever Sucks Season 2; Jasmine itatambal kay Felix

Ervin Santiago |October 22,2016
facebook
share this

JC Santos ‘pinatay’ sa Forever Sucks Season 2; Jasmine itatambal kay Felix

Ervin Santiago - October 22, 2016 - 12:30 AM

jasmine curtis smith at felix roco

SUPER happy si Jasmine Curtis sa napakainit na pagtanggap ng mga netizen sa web serye nilang Forever Sucks na magkakaroon na rin ng season 2 simula sa Oct. 31 in time for the Holloween.

Dahil nga sa tinamong success ng nasabing digital serye sa mundo ng internet, nagdesisyon ang D5Studio Originals na ipagpatuloy lang ang kuwento ni Izabel, ang 170-year-old vampire na nagpi-pretend na maging normal na tao bilang isang call center agent sa gabi.

Sa season 1 ay nakasama ni Jasmine si JC Santos, na pinag-uusapan naman ngayon sa teleseryeng Till I Met You ng ABS-CBN bilang gay best friend ni James Reid, sa season 2 naman ay papasok ang bagong karakter na mapapalapit kay Jasmine na gagampanan ng magaling na aktor na si Felix Roco.

Bukod kina Jasmine at Felix, makakasama pa rin sa ikalawang season ng Forever Sucks sina Gab Pangilinan at Gio Gahol. Kuwento ni Anne Biagan, Head ng Original Digital Content ng D5Studio, kailangan tutukan ng netizen ang pilot ng season 2 dahil dito ie-explain kung ano ang nangyari sa karakter ni JC at kung paano papasok si Felix sa buhay ni Jasmine.

Dagdag pa ni Ms. Anne, swak na swak si Felix sa kanyang role. Kung hindi siya nagkakamali ito ang unang pagsabak ng aktor as rom-com at hindi raw sila nagkamali ng pagpili sa binata dahil ang lakas din ng chemistry nila ni Jasmine on screen.

Early this year ni-launch ang nasabing on line series na talaga namang humataw agad sa internet world. Sa katunayan, milyun-milyong netizen na ang sumusubaybay dito kaya naman isang napakagandang regalo ang ibinigay sa kanila ng D5Studio, ito ngang season 2 ng Foverver Sucks.

Ayon naman kay D5Studio vice president and Head Lloyd Manaloto, “Since our launch last year, our D5Studio Originals has been parading the new breed of digital programming that has been braving the online content landscape with unconventional show themes and formats.”

Kung nais n’yong magbalik-tanaw, pwede n’yong mapanood ang kabuuan ng Forever Sucks season 1, mag-log on lang kayo sa https://www.d5.studio/shows/forever-sucks.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending