Kim payag buhayin ang KimeRald: Trabaho is trabaho! | Bandera

Kim payag buhayin ang KimeRald: Trabaho is trabaho!

Ervin Santiago |October 22,2016
facebook
share this

Kim payag buhayin ang KimeRald: Trabaho is trabaho!

Ervin Santiago - October 22, 2016 - 12:25 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

PAYAG si Kim Chiu na makatrabaho uli sa pelikula at teleserye ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Mukhang naka-move on na talaga si Chinita Princess sa naging relasyon nila noon ni Gerald, alam naman kasi ng buong mundo na hindi naging maganda ang break-up ng dalawa noong kasagsagan ng kasikatan ng KimeRald.

Salamat kay Xian Lim, ang rumored boyfriend ngayon ni Kim na siyang nagpatibok muli sa puso ng dalaga matapos masugatan nang bonggang-bongga ang damdamin sa break-up nila ni Gerald.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Kim, sinabi nitong hindi niya isinasara ang kanyang pinto sa posibilidad na muli silang pagtambalin ng Kapamilya Network sa mga susunod nilang proyekto.

“Trabaho is trabaho. Kung ano ang ibigay ng management sa amin, ‘yun iyon. Professionalism,” ani Kim. Pero muli niyang nilinaw ang naglabasang balita na siya raw ang ipinalit kay Yen Santos sa bagong serye ngayon ni Gerald kasama rin si Jake Cuenca.

Pareho na kasing masaya sa kania-knilang buhay ngayon ang ex-couple. Mismong si Kim na ang nagsabi na si Xian na ang kanyang Mr. Right, “Siya kasi talaga yung tinatama ang lahat, yung pinapasaya, pinapa-inspire, yung laugh ka lang nang laugh!”

Sa part naman ni Gerald, siguradong wala ring issue sa binata kung bubuhayin muli ang KimeRald kahit na nababalitang magdyowa na sila ni Bea Alonzo.

Dagdag pa ni Kim, walang problema sa kanila ni Xian kung i-partner man sila sa iba, “Open naman kami kasi hindi naman na kami teenagers. Ang dami na kasi ngayong mga teen loveteams. Nasa mid-20s na kami, so huwag na tayong makisali doon.”

“Kung ano ang ibigay sa ating trabaho, ‘yun na lang. Siyempre, nagpapasalamat kami sa mga sumusuporta na solid talaga sa amin,” hirit pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending