‘TROPS’ ng EB Baes serye para sa mga millennial baby | Bandera

‘TROPS’ ng EB Baes serye para sa mga millennial baby

Ervin Santiago |October 21,2016
facebook
share this

‘TROPS’ ng EB Baes serye para sa mga millennial baby

Ervin Santiago - October 21, 2016 - 01:00 AM

EB BAES

EB BAES

BY millennials for millennials ang magiging tema ng TROPS (hango salitang tropa), ang latest daytime series sa GMA 7 na pangungunahan ng mga That’s My Bae ng Eat Bulaga na binubuo nina Kenneth Medrano, Kim Last, Tommy Penaflor, Jon Timmons, Miggy Tolentino, Joel Palencia at ang newest female teen sensation na si Taki.

Ang mga Baes ay discovery ng Eat Bulaga kung saan naging winner si Kenneth na tubong-Cebu.

Maipagmamalaki nito na may talento siya sa acting, singing at dancing. Nakalabas na siya sa Lenten Special ng Eat Bulaga at naging bahagi rin ng magtatapos nang Calle Siete.

Dancer din Miggy at ang TROPS ang biggest break niya sa kanyang pangarap na maging artista. Siya ang magiging kalaban ni Kenneth sa puso ni Taki.

Si Taki ang pag-aagawan ng dalawang gwapong bae sa serye. Sa Calle Siete pa lang ay may kilig factor na hatid na ang tambalan nila ni Kenneth at lalo lang nadagdagan ng maging parte ng Eat Bulaga ang dalaga. Pero sa TROPS eeksena si Miggy sa mundo nila ni Kenneth at kapwa mag-e-effort ang dalawang bae na paibigin ang millennial girl.

Filipino-British naman si Kim at magaling sa mixed martial arts. May pagkakomedyante pero hataw din sa dance floor. Si Tommy naman ang pinakamatangakad sa grupo. Kahit graduate ng BS Radiologic Technology ay mas pinili niya ang showbiz. Inaabangan din sina Jon at Joel sa TROPS. Hindi lang sa pagsasayaw ang sentro ng career nila ngayon dahil sa kauna-unahan nilang serye, may mahalaga silang papel na dapat abangan ng mga manonood.

Sumailalim ang tropa sa isang matinding workshop para mas maisabuhay nila ang kanilang mga karakter. Tatalakayin sa programa ang iba’t ibang mga isyu ng henerasyon ngayon tulad ng peer pressure, friendship rivalry, sex, generation gap at iba pa. Layunin din ng programa na maka-relate ang mga nanay na manonood sa mga millennial baby.

At dahil nga millennial themed ang TROPS, nandiyan din ang mga dynamics ng millenials tulad ng pananamit, ugali, hairstyle at samahan, idagdag pa ang iba’t ibang hugot ng mga kabataan ngayon na siguradong makaka-identify ang televiewers.

Kasama rin sa cast sina Benjie Paras, Ina Raymundo at Irma Adlawan. Magsisimula na ang TROPS sa Oct. 24, 11:30 a.m. bago mag-Eat Bulaga sa GMA lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending