Angel kinarir ang pagpapagamot ng spine: Gusto ko rin pong magkaanak! | Bandera

Angel kinarir ang pagpapagamot ng spine: Gusto ko rin pong magkaanak!

Ervin Santiago |October 21,2016
facebook
share this

Angel kinarir ang pagpapagamot ng spine: Gusto ko rin pong magkaanak!

Ervin Santiago - October 21, 2016 - 12:50 AM

ANGEL LOCSIN

ANGEL LOCSIN

UMAASA si Angel Locsin na tuluyan nang gagaling ang sakit sa kanyang likod matapos ang operasyon at serye ng therapy na isinagawa sa kanya ilang buwan na ang nakararaan.

Nakatakdang bumalik sa Singapore ang Kapamilya actress ngayong November para sa kanyang last and final check-up. Dito na raw ia-assess ng kanyang mga doktor ang kanyang spine.

Sa panayam ng morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay, ibinalita ni Angel na maayos na ang lagay ng kanyang likuran dahil hindi na raw ito sumasakit kahit na nga tuluy-tuloy ang kanyang pagtatrabaho.

“I think okay naman siya kasi hindi na siya sumakit after. Actually, takot akong magkikilos ngayon dahil malapit na ‘yung assessment ko…baka mapahamak pa. So sana (magaling na siya),” pahayag ni Angel.

Kung matatandaan, nagdesisyon ang aktres na huwag nang gawin ang bagong movie version ng “Darna” under Star Cinema dahil nga sa naging sakit niya sa spine. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang kapalit ang Star Cinema para maging bagong Darna.

Ang payo ng doktor sa dalaga, kung gusto pa rin niyang gawin ang nasabing proyekto, kailangang fully-recovered na siya pagkatapos ng operasyon at ilang beses na therapy.

Pero sabi ni Angel, hindi ang “Darna” ang pinaka-priority niya sa pagpapagamot, kinarir daw niya ang pagpapagaling sa kanyang likod para sa kanyang sarili – at gusto rin niyang magkaanak sa tamang panahon.

“Gusto kong gumaling hindi lang for a certain role or kung anuman, kung hindi para sa future ko rin. Paano ka magkaka-baby kung hindi ka makakalakad? So more of sa akin talaga,” esplika ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending