Jaclyn Jose muling inupakan ng bashers, echosesa raw | Bandera

Jaclyn Jose muling inupakan ng bashers, echosesa raw

Ervin Santiago |October 21,2016
facebook
share this

Jaclyn Jose muling inupakan ng bashers, echosesa raw

Ervin Santiago - October 21, 2016 - 12:50 AM

ANDI EIGENMANN AT JACLYN JOSE

ANDI EIGENMANN AT JACLYN JOSE

MAY mga bumatikos na naman kay Jaclyn Jose dahil sa latest statement niya tungkol sa revelation ni Max Eigenmann, half-sister ni Andi na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng apo niyang si Ellie.

Ayon kasi sa panayam ng ABS-CBN kay Jaclyn, ayaw na niyang magsalita tungkol sa isyung ito dahil ang nais lang niyang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang anak at apo niya.

“I can’t talk about that kasi nandoon lang po ako sa anak ko si Andi at apo ko si Ellie. Hanggang doon lang po ang puwede kong sabihin,” paliwanag ng Cannes best actress. Aniya pa, handa niyang ipaglaban ang mga ito hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay.

“I will always love Andi and Ellie. And as I’ve said, I will protect them with my life. Hindi ko bibitawan iyang dalawa na iyan, kadugtong na ng buhay ko sila eh,” ani Jaclyn.

Pero dahil sa pagtanggi ng aktres na magsalita tungkol sa pagsisiwalat ni Max ng katotohanan na hindi si Albie Casino kundi si Jake ang tunay na tatay ng anak ni Andi ay muling na-bash nang bonggang-bongga si Jaclyn.

Sey ng isang netizen, “Ah talaga! Ang focus niya lang kina Andi at sa apo niya? Ngayong nagkabistuhan, ayaw na niyang magsalita? Galing! Pak-pak! Ganern! Ganern! Ang simple lang naman ng dapat nilang gawin, mag-sorry sila kay Albie at du’n sa nanay. Wala nang maraming kiyaw-kiyaw!”

Mataray na sabi naman ng isang basher, “Puro na lang anak niya, apo niya, e, pano naman yung naagrabyadong si Albie? Basta ganu’n na lang? Ngayong nabuking na ang anak niya, ayaw na niyang makialam? Best actress ka nga!”

Pero sa kabila ng patuloy na pambabatikos sa kanilang mag-ina, nananatili raw positibo si Andi at inspired pa ring magtrabaho dahil sa anak nitong si Ellie. Napapanood si Andi sa afternoon series ng ABS-CBN na The Greatest Love.

“We’re very good now. She’s good. Everybody’s good in the family. Intact lang kami, buo ang loob, kapit kapit, walang hihiwalay, at kung madapa ang isa, madadapa ang lahat,” chika ni Jaclyn.

Hirit pa niya, “Basta ang importante sa amin ay nagmamahalan kami at nagsusuportahan kaming magpapamilya, magkakahawak kami at sa lahat ng laban ay hindi ko iiwanan si Andi at si Ellie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending