Kim natagpuan na si Mr. Right: Si Xian na ‘yun! | Bandera

Kim natagpuan na si Mr. Right: Si Xian na ‘yun!

Ervin Santiago |October 21,2016
facebook
share this

Kim natagpuan na si Mr. Right: Si Xian na ‘yun!

Ervin Santiago - October 21, 2016 - 12:45 AM

XIAN LIM AT KIM CHIU

XIAN LIM AT KIM CHIU

FEELING ng Kapamilya Teleserye Princess na si Kim Chiu, hindi na niya kailangan pang hanapin ang kanyang “Mr. Right”.

Itinigil na raw ng dalaga ang paghahanap dahil para sa kanya, nasa buhay na niya ngayon ang lalaking pwede niyang tawaging “Mr. Right”.

Sa nakaraang Push Gram Awards, sinabi ni Kim sa panayam ng ABS-CBN na natagpuan na niya ang lalaking hinahanap niya sa katauhan ni Xian Lim. Taglay daw kasi ng binata ang lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang “Mr. Right.”

“Si Xian ngayon ang Mr. Right. Siya talaga yung tinatama ang lahat, yung pinapasaya, pinapa-inspire, yung laugh ka lang nang laugh,” pahayag ng dalaga.

Personal na tinanggap ni Kim ang kanyang Push Gram Music Artist award para sa tagumpay ng kanyang hit song na “Mr. Right” sa ginanap na Push Awards 2016. Tinalo niya sa nasabing kategorya ang ilan sa magagaling at respetadong singers sa bansa.

“Ang layo na ng narating ni ‘Mr. Right’ umabot ako ng Billboard Philippines number two nakakahiya. Well salamat sa lahat ng tumangkilik sumuporta sa Mr. Right,” sabi pa ng girlfriend ni Xian.

Sa nasabi ring interview ibinalita ng Kapamilya singer-actress na TV host na rin ngayon (It’s Showtime) na isa pang “award” ang natanggap niya nu’ng gabing ‘yun dahil sa good news na ibinahagi sa kanya ng Star Music executive na si Roxy Liquigan.

“Noong umakyat ako doon (stage) may isa pang award ang ibinulong ni sir Roxy, sabi niya next year daw masusundan na si Mr. Right,” kinikilig pang chika ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending