Nagpakalat ng mga hubad na larawan ni ‘MARJORIE BARRETTO’ hinahanting na | Bandera

Nagpakalat ng mga hubad na larawan ni ‘MARJORIE BARRETTO’ hinahanting na

|May 03,2013
facebook
share this

Nagpakalat ng mga hubad na larawan ni ‘MARJORIE BARRETTO’ hinahanting na

- May 03, 2013 - 04:07 PM

marjorie barrettoFollow-up ito sa nasulat ng katotong Jobert Sucaldito kahapon dito tungkol sa kumakalat na nude photos diumano ni Konsehala Marjorie Barretto sa social networking site.

Matagal nang may nagpadala sa amin ng mga litrato ni Marjorie na halatang kuha sa cellphone, makikita roon ang isang babae na nakangiti pa habang nakalantad ang kahubaran.

Isinulat na rin namin ang tungkol dito para maging aware si Marjorie at maagapan ang pagkalat nito sa internet, dahil kawawa naman ang mga anak niya lalo na’t nasa showbiz na ang isa sa kanila (Julia Barretto).

Sino kaya ang kumuha ng mga litratong ito na halatang sa isang kuwarto kinunan?

May galit kaya kay Marjorie ang nagpakalat nito?

Hinihintay namin ang magiging paliwanag ni Marjorie tungkol dito dahil baka nga naman may gusto lang manira sa kanya o mas nais lang manggulo sa buhay nila.

Dapat ay paimbestigahan agad nila ito at alamin kung sino ang salarin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending