Piolo hindi na naghahanap ng dyowa: Kung darating, darating! | Bandera

Piolo hindi na naghahanap ng dyowa: Kung darating, darating!

Ervin Santiago |October 13,2016
facebook
share this

Piolo hindi na naghahanap ng dyowa: Kung darating, darating!

Ervin Santiago - October 13, 2016 - 12:05 AM

piolo at inigo pascual

ASAWA na lang ang kulang kay Piolo Pascual dahil halos nasa kanya na ang lahat ng nanaisin ng isang lalaki sa mundo.

Mismong ang Kapamilya actor na ang nagsabi na secured na ang kanyang future dahil sa kanyang investments, kahit siguro hindi na siya magtrabaho ay mabubuhay pa rin nang marangya ang binata dahil sa mga naipundar na niyang ari-arian.

Ayon kay PJ, talagang hindi pa niya nakikita ang kanyang “forever”, pero naniniwala siya na darating at darating din daw ang tamang babae para sa kanya. At kahit wala siyang lovelife, masaya naman daw ang kanyang personal life.

Nakachika ng ilang miyembro ng entertainment media si Piolo kamakalawa sa presscon ng Sun Life Financial para sa annual SUNPIOLOGY Run na may temang “Sugar Wars” na magaganap sa Nov. 19 sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Hinihikayat ni Piolo at ng Sun Life na makibahagi ang lahat ng mga Pinoy, lalo na ang mga may diabetes na gustong magpaka-health buff.

Bukod sa “Sugar Wars” SUNPIOLOGY Run, in-announce rin ng Sun Life ang pagkapili kay Piolo at sa anak nitong si Iñigo Pascual bilang brand ambassador ng “Go Well”, a health and wellness program kung saan makakasama rin nila ang iba pang celebrity tulad nina Tessa Prieto Valdes, Bubbles Paraiso, Jaymee Pizarro at Rovilson Fernandez.

“Go Well marks Sun Life’s entry into the wellness space,” sabi ni Health & Wellness Manager Jaymee Pizarro. Hirit pa niya, “It is envisioned to be a wellness community offering credible and relevant health and wellness information and high impact fitness events to help Filipinos life healthier, brighter lives.”

At dahil nga fit na fit ngayon si Piolo, who is into cycling and running, natanong ang aktor kung health buff din ang gusto niyang maging girlfriend?

“Ideally, yeah. I remember before, kapag meron akong nagiging girlfriend, it’s either I buy her a bike or I invite her to run because it’s my regular activity so we do things together, parang yun na ang bonding time namin.”

Tungkol naman sa estado ng kanyang lovelife ngayon, inamin niyang gusto na rin niyang magkadyowa, “Mahirap at malungkot ang walang katabi sa gabi. But I’ve come to the point na I don’t look for it anymore.

“As much as I don’t have time for it, I just enjoy life and I still have so many things I want to do so if it comes, it comes and I hope it comes soon when it comes,” esplika pa ni Piolo na batambata pa rin ang itsura sa bago niyang hairstyle ngayon.

Dugtong pa ni PJ, “Happy naman ako. Baka maunahan pa ako ng anak ko but grateful lang ako sa mga blessings na nangyayari sa buhay ko and besides, I enjoy life. Gusto kong mag-travel, gusto kong marami pang gawin and just like what I said, when it comes, it comes.”

May GF na ngayon si Inigo, ang Girl Trends member na si Kelley Day), hindi kaya maunahan pa siya nitong magpakasal, “Sana naman hindi. Sana ‘wag naman pero he has a girlfriend already and hindi natin mapipigilan ang bugso ng damdamin ng mga bata.”

Lagi naman daw niyang pinapayuhan ang anak pagdating sa pakikipagrelasyon, “Hindi mo kailangan madaliin ang buhay. Just be practical and be wise with all your decisions kasi ang isang pagkakamali, pwedeng mag-lead sa pang-habang buhay na pagsisihan mo, eh, so just be wise and learn from other people’s mistakes and always strive to be better.”

In fairness, siguradong maswerte ang magiging asawa ni Piolo dahil nga secured na ang future nito. Wala na siguro siyang gagawin kundi paligayahin at pagsilbihan ang Kapamilya actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

q q q

Anyway, ikawalong taon na ito ng SUNPIOLOGY Run, “I want to invite everyone to register for Sugar Wars. It’s a race against diabetes, a chance to help raise funds for our beneficiaries, and a great way to spend time with your Star Magic fanmily,” ani PJ na siya ring bumuo sa Hebreo Foundation na tumutulong sa pagbibigay ng edukasyon sa mga kapuspalad nating mga kabataan.
For inquiries and to sign up sa annual SUNPIOLOGY Run, bumisita lang sa www.sunpiology.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending