Mark umaasa pa ring malulusutan ang drug case; Alma awang-awa sa anak | Bandera

Mark umaasa pa ring malulusutan ang drug case; Alma awang-awa sa anak

Jun Nardo |October 08,2016
facebook
share this

Mark umaasa pa ring malulusutan ang drug case; Alma awang-awa sa anak

Jun Nardo - October 08, 2016 - 12:35 AM

 

alma moreno at mark anthony fernandez

WALANG lumabas na video ng pagdating ni Alma Moreno sa isang presinto sa Pampanga upang bisitahin ang nakakulong na anak na si Mark Anthony Fernandez.

Binawalan na raw ayon sa mga report nang dalhin sa korte ang aktor para sa kanyang arraignment. Siguradong awang-awa si Ness sa kalagayan ni Mark sa kulungan.

Base pa sa report, dumating din ang half-brothers ni Mark na sina Ralph at Renz pero hindi nagbigay ng pahayag.

Tumaas ang blood pressure ni Ness kaya hindi agad nakatakbo sa Angeles City nu’ng mahuli ang anak. Madamdamin tiyak ang pagkikita ng mag-ina na tumagal daw ng halos dalawang oras.

Mahirap pero may nagdarasal pa rin ang mga taga-showbiz na nagmamahal kay Mark na sana ay malampasan niya ang problemang kinasasangkutan at makayanan din sana ni Alma ang nangyari sa anak dahil napakasakit nga naman para sa isang ina na makitang nagdurusa sa kulungan ang anak.

As of this writing, suspended ang naka-schedule na arraignment ni Mark dahil nag-request ng re-investigation of the case ang legal counsel ng aktor. Umaasa pa rin siyempre ang aktor na malulusutan ang kanyang drug case.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending