'Nakakaloka ang emote ni Robin sa pagkaaresto kay Mark! Wag nang idamay si Daboy! | Bandera

‘Nakakaloka ang emote ni Robin sa pagkaaresto kay Mark! Wag nang idamay si Daboy!

Ambet Nabus |October 08,2016
facebook
share this

‘Nakakaloka ang emote ni Robin sa pagkaaresto kay Mark! Wag nang idamay si Daboy!

Ambet Nabus - October 08, 2016 - 12:15 AM

 

robin padilla

MEDYO OA para sa amin ang naging reaksyon ni Robin Padilla tungkol sa pagkakahuli at pagtrato ng mga pulis sa pamangkin nitong si Mark Anthony Fernandez.

Naging mas OA pa nang sabihin nitong baka hindi sila patawarin ng matagal ng namayapang si Rudy Fernandez kung merong masamang nangyari sa aktor. Napa-hello na lang talaga kami sa mga emote ni Binoe.

Pero dahil nga minsan nang naranasan ni Robin ang makulong at matawag na wanted, gusto na lang namin siyang unawain.

Sana nga lang ay nag-iba na ang sitwasyon ng pamamalakad ng mga otoridad ngayon lalo pa’t may social media na agad-agarang nagbabalita o nagpo-post ng mga larawan o update sa bawat matipuhang isyu.

Ang dapat sigurong ika-worry ng wagas ni Robin ay yung sinasabi ng batas hinggil sa quantity ng bawal na gamot na nahuli sa kanyang pamangkin na posibleng gawing batayan para makulong ito ng matagal na panahon.

Yun ang tunay na nakakabahala.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending