Barangay Ginebra Kings, Meralco Bolts bubuksan ang PBA Finals matchup | Bandera

Barangay Ginebra Kings, Meralco Bolts bubuksan ang PBA Finals matchup

Melvin Sarangay , |October 07,2016
facebook
share this

Barangay Ginebra Kings, Meralco Bolts bubuksan ang PBA Finals matchup

Melvin Sarangay - , October 07, 2016 - 01:00 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Barangay Ginebra vs Meralco
(Game 1, best-of-seven championship series)

UUMPISAHAN ng mga uhaw sa kampeonato na Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts ang kanilang duwelo para sa korona ng 2016 PBA Governors’ Cup sa Game One ng kanilang best-of-seven Finals series ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Hawak ng Barangay Ginebra ang matinding fan base na wala sa Meralco subalit ang Bolts ay taglay naman ang mga maliligsing manlalaro na gusto namang makamit ng mga Gin Kings.

Bagamat sa iba pang bagay ay patas ang dalawang koponan, ang mas uhaw na masungkit ang tropeo ng PBA Governors’ Cup ang siyang siguradong mananaig.

“These two teams are so evenly matched that I think we kind of mirror each other in the way we play,” sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na nasa kanyang ika-30 finals appearance at asinta ang ika-19 na coaching championship title.

Ang dalawang koponan ay nangunguna sa assists department kung saan sina Jimmy Alapag at rookie swingman Chris Newsome ang namumuno para sa Meralco habang sina LA Tenorio, Sol Mercado at Scottie Thompson ang bumibida para sa Barangay Ginebra.

Hindi katulad ng kanilang mga karibal sa semifinals, ang Gin Kings, na pinatalsik sa kanilang trono ang San Miguel Beermen, at Bolts, na sinibak ang top seed TNT KaTropa Texters, ay kapwa nakatuon sa depensa at pasensyoso sa paghanap ng oportunidad sa pag-iskor.

Magbabalik naman  mula sa injury list si Jared Dillinger para sa Meralco na sasandalan din sina Allen Durham, Reynel Hugnatan at Clifford Hodge para makapuntos at magbantay sa loob ng shaded area.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending