Kaluluwa ni Elizabeth Ramsey hindi matatahimik | Bandera

Kaluluwa ni Elizabeth Ramsey hindi matatahimik

Ambet Nabus |October 07,2016
facebook
share this

Kaluluwa ni Elizabeth Ramsey hindi matatahimik

Ambet Nabus - October 07, 2016 - 12:45 AM

ELIZABETH AT JAYA RAMSEY

ELIZABETH AT JAYA RAMSEY

AGREE kami sa sinabi ni Kuya Boy Abunda na masakit pakinggan at mapanood ang dalawang magkapamilya na nagbabangayan on national television lalo na kung ang pinag-uusapang tao ay namatay na.

Ito ngayon ang sitwasyon ng magkapatid na Jaya at Susan Ramsey, mga anak ng yumaong si Tita Elizabeth Ramsey na nagtatalo ngayon sa mga labi ng ina, na isang taon ng namatay.

Actually, noon pa ito naging isyu, immediately after the death of Tita Elizabeth, who according to Jaya left words na “bahala ka na,” sa gagawin nito sa bangkay kung ito’y mamamatay.

Jaya wanted her to be cremated na tinutulan nga nitong si Susan, who decided to borrow a vacant lot sa isang sementeryo para mailibing ang ina. Ganu’n nga ang nangyari noon at may tsika pa ngang nalayuan noon si Jaya na ihatid ang ina sa huling hantungan.

At ngayon ngang kinukuha na ng may-ari ang loteng pinaglibingan kay Tita Elizabeth, nagdesisyon itong si Susan na ipa-exhume ang bangkay ng ina at dalhin sa probinsya ng ina.

Dito na uli umeksena si Jaya na nagsasabing kung noon pa sinunod ang kanyang plano ay wala na sanang ganitong isyu ngayon.

Magastos ang naturang proseso pero kaya namang gawin kung gugustuhin, pero mukhang nagsalita na si Jaya na ayaw na niyang makialam?

“I hope that she gets her peace for what she is doing. My mother and I have already shared our memories together. Nananalaytay sa dugo ko ang dugo ng nanay ko and at this point I don’t have to say anything good about her.

“For me, God bless my mom. I hope she’s really resting in God’s heaven. Wala na, tapos na! Magpa-interview siya, magpa-movie siya, magpa-telenovela siya, wala na ang nanay namin. I hope this is the last of it!” sabi ni Jaya sa isang interview

Hay, nakakalungkot lang ang ganitong mga kaganapan sa isang pamilya. Sigurado kaming hindi matatahimik ang kaluluwa ni tita Elizabeth kapag hindi pa nagkasundo ang kanyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending