Jinggoy na-shock sa pagkaaresto kay Mark | Bandera

Jinggoy na-shock sa pagkaaresto kay Mark

Jun Nardo |October 07,2016
facebook
share this

Jinggoy na-shock sa pagkaaresto kay Mark

Jun Nardo - October 07, 2016 - 12:15 AM

JINGGOY ESTRADA AT MARK ANTHONY FERNANDEZ

JINGGOY ESTRADA AT MARK ANTHONY FERNANDEZ

NABAHALA rin si Sen. Jinggoy Estrada sa pagkakahuli ni Mark Anthony Fernandez dahil sa dala umanong marijuana sa Angeles, Pampanga.

Anak ng best friend niyang yumao na si Rudy Fernandez kaya anak na rin ang turing niya sa aktor.

Ayon sa reports, nagkausap na sina Sen. Jinggoy at Alma Moreno na tumaas daw ang blood pressure nang malaman ang nangyari sa anak. As of this writing, hindi pa nakakapunta ang aktres sa Angeles City Police para bisitahin ang anak contrary to some reports na agad siyang sumugod doon.

Siyempre, apektado rin ang trabaho ni Ness (tawag kay Alma) ngayon na kasama sa GMA weekly series na Tsuperhero na ipalalabas na very soon.

Kapansin-pansin lang sa interogasyon ng mga pulis kay Mark (hanggang sa isinagawang presscon sa presinto) ay wala kaming nakitang lawyer na kasama niya. ‘Yun ang pinansin ni Sen. Jinggoy nang i-present ang aktor sa publiko matapos ngang mahulihan ng 1 kilo ng marijuana.

Kung buhay pa ngayon si Daboy, hindi mangyayari kay Mark ang gulong kinasangkutan niya ngayon. Si Rudy ang siyang nagpasok sa anak sa rehabilitation nu’ng nabubuhay siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending