Robin kay Mark Anthony: Mahal kong pamangkin, salamat at ikaw ay buhay! | Bandera

Robin kay Mark Anthony: Mahal kong pamangkin, salamat at ikaw ay buhay!

Ervin Santiago |October 06,2016
facebook
share this

Robin kay Mark Anthony: Mahal kong pamangkin, salamat at ikaw ay buhay!

Ervin Santiago - October 06, 2016 - 12:10 AM

robin padilla

NAGAPASALAMAT si Robin Padilla at buhay pa ang pamangkin na si Mark Anthony Fernandez matapos itong maaresto sa isang checkpoint sa Pampanga nitong nakaraang Lunes.

Nag-post ng mahabang mensahe si Binoe sa kanyang Facebook account nang malaman niyang nakakulong ngayon si Mark nang makuha sa kanyang sasakyan ang isang kilo ng marijuana.

Ayon kay Robin, nagpapasalamat siya na humihinga pa rin ang pamangking aktor matapos ang insidente. Aniya, “Purihin ang Panginoong Maylikha, mahal kong pamangkin.

“Nakahinga ako nang maluwag at naglulumuhod sa pasasalamat sa nag-iisang Dios na makapangyarihan at ikaw ay buhay, Mark.

“Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nangyaring masama sa iyo.”

Si Binoe ay pinsang-buo ng yumaong ama ni Mark Anthony na si Rudy Fernandez. Magkapatid ang tatay ni Robin (Roy Padilla) at ang ina ni Daboy (Pilar Padilla).

Pagpapatuloy pa ni Robin, “Sir Bato at sa Angeles City PNP, tanggapin po ninyo ang malalim na pasasalamat at pagsaludo ng Padilla Family sa propesyonal at makatao na paghuli kay Mark Anthony Fernandez… Alhamdulillah.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending