Pia Wurtzbach inupakan ng basher: Huwag na nga siyang magmalinis!!! | Bandera

Pia Wurtzbach inupakan ng basher: Huwag na nga siyang magmalinis!!!

Ambet Nabus |October 05,2016
facebook
share this

Pia Wurtzbach inupakan ng basher: Huwag na nga siyang magmalinis!!!

Ambet Nabus - October 05, 2016 - 12:05 AM

pia wurtzbach at janine tugonon

NAGING sentro rin ng kontrobersya ang ilan sa ating mga beauty queen kamakailan.

Nauna na riyan si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na inokray-okray ng netizens dahil sa pag-e-emote nitong imbes na pansinin ng media ang mga makabuluhan niyang gawain eh, bakit daw mas feel ng mga ito na pagpiyestahan ang kanyang lovelife.

“Look who’s talking? Sino ba ang maya’t maya ay nagpo-post ng mga nakikilala niyang lalaki sa ibang bansa? Hindi ba siya rin? Kaya huwag siyang magmalinis. Wag kami ang sisihin niya,” ang mataray na pahayag ng isang netizen na tinawag pang epal at feeling superstar si Pia.

Sinundan ito ni Janine Tugonon, ang naging first runner-up sa 2012 Miss Universe na nagbi-build ngayon ng career sa USA.

Big deal para sa mga supporters ni Janine ang pagkakasama nito sa top 12 ng NU Muses Calendar kung saan game na nag-pose nang nakahubad ang beauty queen-model.

Magbubukas nga ng maraming opportunities for Janine ang nasabing kalendaryo dahil nasa mainstream USA ito at legit A-listers and mga kasama niyang models. Pero Janine cannot deny the fact na pinaganda at pinasosyal na NUDE calendar ang ipinagmamalaki niyang exposure sa international scene.

Kung noong 70s or 80s nangyari ito, kung saan madalas ding naiimbitahan ng mga sosyal at high-end magazines ang mga modelo at artista natin to grace their pages and covers, pihadong tatawagin ding porn star si Janine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending