Perpetual Help Altas humirit ng NCAA Final Four do-or-die game | Bandera

Perpetual Help Altas humirit ng NCAA Final Four do-or-die game

Angelito Oredo |September 30,2016
facebook
share this

Perpetual Help Altas humirit ng NCAA Final Four do-or-die game

Angelito Oredo - September 30, 2016 - 10:00 PM

 

perpetual

ISINALBA ni Gabriel Dagangon sa pagbibigay sa abante bago sinelyuhan ni Keith Pido sa dalawa nitong free throws ang University of Perpetual Help Altas para itakas ang 87-83 panalo kontra San Beda College Red Lions para makapuwersa ng sudden death game sa NCAA Season 92 Final Four men’s basketball tournament Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagawang isalpak ni Danganon, na itinala ang career high 27 puntos, 5 rebounds, 2 blocks at 2 assists, ang bola sa broken play matapos na matapik sa kamay ng kakampi nito na si Bright Akhuetie sa natitirang 19.7 segundo ng laro upang basagin ang tabla na iskor sa 83-all at itulak ang Altas sa 85-83 abante.

Pinilit ng Red Lions na agad tumuntong sa kampeonato subalit nagmintis ang tangka sa tres ni Javee Mocon. Hindi na nagawa pang agawin ng San Beda ang bola na nagtulak kay Robert Lee Bolick upang patawan ng foul ang Altas na si Pido na kalmadong isinalpak ang dalawa nitong nakamit na free throws sa natitirang 3.4 segundo ng laro.

Inokupahan naman ng Arellano University Chiefs ang isa sa dalawang silya sa kampeonato matapos nitong agad na patalsikin ang nakatapat na Mapua Institute of Technology Cardinls, 92-80, sa tampok na laro sa Final Four.

Sinandigan ng Chiefs ang mainit na laro ni Jiovanni Jalalon na nagtala ng 22 puntos, 8 rebounds, 9 assists at 3 steals habang sinuportahan ito ni Lervin Flores na gumawa ng 22 puntos, 10 rebounds at 3 blocks para itulak ang Arellano sa ikalawang pagtuntong sa kampeonato.

Ang panalo ay nagtulak naman kay Arellano coach Jerry Codiñera, na nasa ikatlong taon lamang sa paghawak sa Chiefs, sa ikalawang pagtuntong sa labanan para sa korona.

Samantala, binigo ng Mapua ang nakatapat na La Salle-Greenhills, 88-81, upang hablutin ang una sa dalawang silyang nakataya sa kampeonato habang nakahugot ang Arellano ng sudden death na laban sa kasalukuyang seven-peat champion San Beda, 89-84, para sa natitirang silya sa juniors division.

Nagpakitang-gilas si Will Gozum, isang transferee mula University of Philippines Intergrated School, sa pagkawala ni  Sherwin Concepcion na nagtamo ng season-ending right shoulder injury sa ikalawang round, sa pagtala ng 16 puntos, anim na rebounds at tatlong blocks para pamunuan ang Red Robins sa ikalawang pagsampa sa finals sa nakalipas na tatlong taon.

“We’ve made major adjustments since he (Concepcion) got injured and I’m happy Gozum has taken the responsibility,” sabi ni Mapua coach Randy Alcantara, na nabigo sa San Beda noong 2014 Finals bago nabigo na makatuntong muli sa kampeonato matapos na matalo sa Arellano sa Final Four.

Sasagupain ng Mapua ang magwawagi sa pagitan ng San Beda at Arellano sa finals na itinakdang simulan sa Oktubre 6.

Umahon naman sa bingit ng eliminasyon ang Braves sa pagbalikwas sa 17-puntos na paghahabol bago sinandigan si Jayson Danas sa krusyal na minuto upang makapuwersa ng knockout duel sa Martes para sa natitirang silya sa best-of-three championships.

Ang 19-anyos na si Danas ay inihulog ay anim sa kanyang 10 puntos sa natitirang 1.19 minuto upang itulak ang Arellano sa ikalawa nitong panalo sa tatlong laro kontra San Beda ngayong taon. Ang Braves din ang nagpalasap ng tanging kabiguan sa Cubs isang taon na ang nakalipas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We’re the only team that can beat San Beda, all the other teams have given up finding a way to beat them,” sabi ni Arellano coach Tylon Darjuan. “And since we’re here, we might as well go for it.”

Nanguna si Lars Sunga sa Braves sa tinipong 16 puntos habang si Guilmer dela Torre, Aaron Fermin at Carlo Abadeza na may iniambag na 15, 15 at 14.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending