Di pwedeng biruin ang Bolts | Bandera

Di pwedeng biruin ang Bolts

Barry Pascua |October 01,2016
facebook
share this

Di pwedeng biruin ang Bolts

Barry Pascua - October 01, 2016 - 01:00 AM

BAGO muling nagkita ang TNT Katropa at Meralco noong Huwebes, marami ang kumbinsidong didiretso sa best-of-seven Finals ang Tropang Texters. Mangyari ay parang dinaanan lang nila nang paganoon-ganoon lang ang Bolts na tinambakan nila, 113-95, sa Game One.

Isang matinding statement ang panalong iyon.  Kasi nag-animo ‘invincible’ ang TNT Katropa.

Hanggang first half lang nakapagbigay ng magandang laban ang Meralco.

Hindi hinayaan ng Bolts na makalayo ang Tropang Texters na lumamang lang ng isang puntos matapos ang first quarter at dalawang puntos sa halftime.

Pagdating ng third quarter ay inilabas ng TNT Katropa ang tunay nitong lakas at iniwan na ang Meralco. Lumamang pa nga ng 24 puntos ang Tropang Texters sa dulo ng fourth quarter bago nagtimpi.

So, kung gagamiting basehan ang Game One, aba’y sisiw ang Meralco.

Biruin mong sa kabuuan ng torneo ay isang beses lang nasilat ang TNT Katropa at ang nakagawa nito ay ang Mahindra na hindi na nakausad sa semifinals.

Pero ang Meralco ang siyang tumalo sa Mahindra sa quarterfinals kaya baka may katiting na tsansa ang Bolts, hindi ba?

Pero kaunti lang ang naniniwalang may tsansa nga ang Bolts.

Ang tanong nga bago nag-umpisa ang Game Two ay: Makakaisa ba ang Meralco? O mawawalis ang Bolts?
Kasi nga ay kaunti lang ang panahon upang paghandaan ang Game Two. Isang araw na ensayo lang. Ano ang pwedeng gawin sa loob ng isang araw?

Well, nasagot na ang katanungang iyan.

Nakabawi nga ang Bolts. At kung tinambakan sila ng TNT Katropa sa Game One, aba’y gumanti rin ng panalong tambak ang Meralco. Nagwagi ang Bolts sa Game Two, 106-91. Umabot din ng 24 puntos ang pinakamalaking kalamangan ng Bolts!

So paanong nangyari iyon? E inamin naman ni Meralco coach Norman Black na hindi sila nakagawa ng matinding adjustrments dahil kapos nga ang panahon.

Marahil ay nagkumpiyansa ang TNT Katropa. Inisip ng mga bata ni coach Joseph Uichico na kaya nga nila ang Bolts at kahit na malamangan sila ng malaki ay makakabalik pa rin sila.

Kumbaga ay inihalintulad nila ang laro sa isang switch  ng kuryente o gripo ng tubig. Sa kuryente ay puwedeng i-On at i-Off ang switch. Sa gripo ay puwedeng buksan upang patuluin ang tubig nang malakas o hinaan ang tulo.

E hindi naman ganoon ang basketball. Hindi mo maididikta ang intensity ng players. Kapag masama ang umpisa, baka hindi tuluyang gumanda sa dulo. Kapag naiwanan, baka tuluyang hindi makahabol.

Nagkamali ang Tropang Texters sa pag-underestimate sa kanilang kalaban. Hindi nila puwedeng biruin ang Meralco na gutom para sa unang finals appearance at unang titulo sa PBA.

Tiyak na magseseryoso na ang Tropang Texters mamaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya lang ay baka nakabuo na ng ere ang Bolts, kumbaga sa karera ng kabayo at masipa nila ang Tropang Texters patungo sa maagang bakasyon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending