JC de Vera pahihirapan ng sakit na Psoriasis sa MMK | Bandera

JC de Vera pahihirapan ng sakit na Psoriasis sa MMK

Ervin Santiago |October 01,2016
facebook
share this

JC de Vera pahihirapan ng sakit na Psoriasis sa MMK

Ervin Santiago - October 01, 2016 - 12:30 AM

jc de vera

BIBIGYANG-BUHAY ni JC de Vera ang kwento ng Psoriasis Philippines founder na si Josef de Guzman at kung paano niya hinarap ang diskriminasyon at depresyong kaakibat ng pagkakaroon ng naturang sakit sa balat ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya.

Kilala si Josef sa kanyang talento sa pagkanta, angking talino, makinis na kutis, at gwapong mukha. Pamumuhay niya ang pagkanta sa mga prestihiyosong hotels kaya naman lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Ang swerte ay tila ba laging nasa panig niya.

Magbabago ang lahat pagtungtong niya ng 35 taon kung saan nagkaroon siya ng chronic inflammatory skin disease na tinatawag na Psoriasis. Babaliktad ang kanyang mundo at ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglang mawawala.

Magiging miserable ang buhay at magmumukmok na lamang dala ng matinding kalungkutan.
Paano kaya mababalik ni Josef ang kumpyansa sa sarili? Paano niya haharapin ang panghahamak ng lipunan? Ano ang hihimok sa kanya para magtayo ng isang advocacy at support group para sa mga tulad niyang may Psoriasis.

Kasama sa MMK episode na ito sina Louise Abuel, Irma Adlawan, Juan Rodrigo, Kazel Kinouchi, Kazumi Porquez, Jairus Aquino, Kyle Banzon at Tata Mara, sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat nina Jaymar Castro at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK hosted by Charo Santos tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending