Babala kay Tom: Carla matinding magselos kaya ingat pa more | Bandera

Babala kay Tom: Carla matinding magselos kaya ingat pa more

Ronnie Carrasco III |October 01,2016
facebook
share this

Babala kay Tom: Carla matinding magselos kaya ingat pa more

Ronnie Carrasco III - October 01, 2016 - 12:20 AM

carla abellana at tom rodriguez

EPISODE ng mga sorpresa ang nag-aabang sa mga viewers ng Ismol Family bukas sa GMA 7 starring Carla Abellana and Ryan Agoncillo.

Dahil malapit na ang birthday ni Churi ay naglambing siya ng surprise from Jingo na nakaisip magbigay ng party. Pero bago man ito ay nasorpresa na si Churi sa pagdating ni Tiny, her ex-boyfriend. Nagseselos si Tiny kay Jingo na tiningnan niya nang masama.

Meanwhile, habang naglilinis ng bahay ay nakita ni Majay ang cellphone ni Jingo, particularly Churi’s message asking for a birthday surprise. Hindi na sana ‘yon ikaseselos ni Majay kung hindi dahil sa panggagatong at pambubuyo nina Lora, Dello, Lance at Bobong.

Ang ending, sumugod si Majay sa party na nakasaksi kina Jingo at Churi na magkayakap while dancing.
Saan kaya mauuwi ang paninibugho ni Majay? At sa totoong buhay kaya, siya bilang Carla Abellana, ay nagseselos din ba sa sinumang babaeng madikit lang kay Tom Rodriguez? Well, natural lang naman sa tao ang magselos lalo na kung may hugot talaga ang pagseselos. Kaya dapat laging mag-ingat si Tom.
Abangan ang Ismol Family bukas pagkatapos ng Hay Bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending