Melai buntis na naman sa mister na si Jayson | Bandera

Melai buntis na naman sa mister na si Jayson

Izel Abanilla |September 30,2016
facebook
share this

Melai buntis na naman sa mister na si Jayson

Izel Abanilla - September 30, 2016 - 04:20 PM

KINUMPIRA ng komedyante at TV host na si Melai Cantiveros na buntis siya sa ikalawang anak sa mister na si Jason Francisco.

Inamin ni Melai ang kalagayan sa kanyang morning talkshow program na “Magandang Buhay.”

Ipinakita ni Cantiveros ang larawan sa kanyang programa, at sinabi na she’s welcoming another baby na ngayon ang 10-linggo na sa kanyang sinapupunan.

“Mga Kapamilya, meron na tayong makakasama tuwing umaga, at lagi natin siyang makakasama kasi nga isa siyang nemo throwing her usual funny antics (referring to her baby). May bago kaming blessing mag-asawa ni Jason at magiging ate na si Mela. Siya ang ating sinasabing bagong Kapamilya dito sa Magandang Buhay. Ten weeks akong pregnant. Thank you, Lord, for all the blessings,” say ni Melai.

Kwento niya na ang unang nakaalam sa magandang balita ay ang panganay niyang anak na si Mela. Tuwang-tuwa rin anya ang kanyang mister na si Jason nang ibalita niya ang good news.

“Sobrang saya ko talaga nung nalaman ko na buntis ako, syempre alam ko agad, ‘di ako dinugo, eh. Pagkapregnancy test ko talagang unang nakaalam si Mela, sabi ko Mela magiging ate ka na, sobrang kini-kiss niya ang tiyan ko. Baby Ate Mela,  tapos sinabi ko agad kay Jason. Talagang sobrang saya niya na madadagdagan ang aming family,” pahayag pa nito.

Kamakailan lang ay kumalat ang balita na naghiwalay na ang dalawa dahil sa isyu ng tiwala.  Jason was quoted in late July as saying, “Wala na pong Melason” sa kanyang social media post.

Di naman nagtagal at nagkasundo ang dalawa, and there meron nang bagong baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending