Nueva Ecijano naka-jackpot ng P6M sa 6/42 Lotto | Bandera

Nueva Ecijano naka-jackpot ng P6M sa 6/42 Lotto

Leifbilly Begas |September 30,2016
facebook
share this

Nueva Ecijano naka-jackpot ng P6M sa 6/42 Lotto

Leifbilly Begas - September 30, 2016 - 04:04 PM
SA Nueva Ecija tumaya ang nanalo ng P6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Huwebes ng gabi.      Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Bambang.      Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 36-42-27-40-34-32. Siya ay mayroong isang taon upang kunin ang kanyang premyo.      Nagkakahalaga ng P100 ang itinaya ng nanalo at siya ang namili ng mga numero.      Nanalo naman ng tig-P23,080 ang 23 mananaya na nakalimang numero. Tig-P830 naman ang napanalunan ng 510 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 8,204.      Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending