Sabrina M barya-barya lang ang konek sa droga; wala sa 'most wanted list' | Bandera

Sabrina M barya-barya lang ang konek sa droga; wala sa ‘most wanted list’

Ronnie Carrasco III |October 01,2016
facebook
share this

Sabrina M barya-barya lang ang konek sa droga; wala sa ‘most wanted list’

Ronnie Carrasco III - October 01, 2016 - 12:30 AM

sabrina m

THE following are this writer’s post-arrest thoughts tungkol sa dating bold star na si Sabrina M na nalambat kamakailan sa aktong nagsa-shabu sa kanyang tirahan.

Sa aminin man o hindi ng mga arresting officers, tiyak na hindi na nila natatandaan that there existed a showbiz denizen na Sabrina M ang pangalan. Kung pamilyar man sa kanilang pandinig ang pangalan nito, for sure, they had a tough time connecting her name to a face.

Sabi sa ulat, nahuli siya sa kanyang bahay. The police asset—in all indications—ay isang taong kilala ni Sabrina. Matagal na rin sigurong itinuturing na hot spot ang lugar kung saan ito naninirahan and has since been under surveillance.

Pero kung si Sabrina M ang sinasabing isa sa may 50 katao sa showbiz confirmed to be druggies or drug pushers, sa parte ng pulisya ay hindi ito masasabing isang “landmark achievement.”

Sino ba kasi si Sabrina M, eh, mukha namang small fry lang naman siya? In short, pipitsuging adik na baka “mamiso” lang na halaga ng shabu ang iniiskor, at may ka-jamming pa sa lagay na ‘yon!

Hindi rin ganap na masasabing Sabrina belongs to the “wanted” list dahil hindi nga rin namin maalala kung kelan siya huling lumabas sa TV o pelikula. Technically, hindi na siya belong sa showbiz.

Which brings us to the validity ng hanggang ngayo’y hindi pa inilalabas-labas na listahan daw na hawak ng PDEA containing about 50 or so showbiz personalities, 10 of whom ay mga tulak.

Mauunawaan namin ang delay sa pagri-release nito pending further study and review of those on the list para maiwasang sumablay na naman ang finger-pointing sa mga taong pinangalanan, but only for the government to recant its statement dahil nagkamali sila.

If repeated validation process so warrants such delay amidst public clamor na ilabas na ang listahan, sige, sang-ayon kami sa pagkakaantala niyon.

But again, the concerned institution had better be 101% sure na kumpirmadung-kumpiramado na nga ‘yon, dumaan sa masusing pananaliksik, may pruweba to back up their assertions dahil kahit adik o tulak man ay may natitira pa rin kahit katiting na karapatan bilang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

It is with regret na isang simpleng “sorry” lang pala ang katapat ng maling pagpaparatang sa kapwa. As it obviously appears now, ang pagsasabi ng “I’m sorry” becomes one’s convenient excuse to cover up for his misjudgment.

Pero nakapanakit na siya. ‘Ika nga, the harm—as well as the shame—has been done.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending