(Update) Toni Gonzaga nagsilang ng baby boy; pinangalanang Severiano Elliot | Bandera

(Update) Toni Gonzaga nagsilang ng baby boy; pinangalanang Severiano Elliot

|September 30,2016
facebook
share this

(Update) Toni Gonzaga nagsilang ng baby boy; pinangalanang Severiano Elliot

- September 30, 2016 - 01:19 PM

 

toni-paul-soriano-IG

NAGSILANG ng isang baby boy ang aktres na si Toni Gonzaga, ilang oras lang mula nang humarap sila kay Boy Abunda para sa programa nitong “Tonight With Boy Abunda” Huwebes ng gabi.

Ang unang baby ng mag-asawang Toni at Paul Soriano ay tumitimbang ng 7.2 pounds at papangalanang Severiano Elliot.

Bago ito ay masayang ibinalita ng mag-asawa sa programa ni Abunda na baby boy ang nakatakdang isilang ng aktres.

“It’s a boy. It’s going to be a mini Paul,” pahayag ni Paul sa programa ni Boy Abunda.

Ayon sa direktor, posibleng isilang ng kanyang misis ang kanilang unang anak ngayong katapusan ng Setyembre o sa unang linggo ng Oktubre.

Sinabi ng mag-asawa na wala pa silang napagdedesiyunang pangalan para sa kanilang baby boy.

“We’re debating now… One is’ Paul,’ we’re going for that choice,” dagdag pa ng direktor.

“’Di ko pa masabi ‘yung final kasi it changes every day,” sabi naman ng aktres.

Unang kinumpirma ni Toni ang kanyang pagbubuntis noong Abril.  Ikinasal ang dalawa noong Hunyo nang nakaraang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending