Ika-4 na anak nina Gladys at Christopher made in USA | Bandera

Ika-4 na anak nina Gladys at Christopher made in USA

Cristy Fermin |September 30,2016
facebook
share this

Ika-4 na anak nina Gladys at Christopher made in USA

Cristy Fermin - September 30, 2016 - 12:30 AM

CHRISTOPHER ROXAS AT GLADYS REYES

CHRISTOPHER ROXAS AT GLADYS REYES

NAGRADYO kami nang mag-text sa amin ang magaling na aktres na si Gladys Reyes na magkakasama silang buong pamilya nu’ng mga oras na ‘yun dahil nagpa-ultrasound siya.

Masayang-masaya siya, isang buhay na manyika na naman ang regalo niya kay Christopher Roxas, masusundan na ang bunso nilang si Grant na napakaguwapo.

Sabi ni Gladys ay made in USA daw ang kasalukuyan niyang dinadala dahil nakaramdam siya ng kakaiba nang magbalik na sila ni Christopher.

Tatlong magagandang anak na meron sina Christopher at Gladys, mga responsable silang magulang, kung sino sa kanila ang walang trabaho ang nagsusundo at naghahatid sa kanilang mga anak sa eskuwelahan.

Napakaganda ng kanilang kumbinasyon, artistahin ang kanilang mga anak, may karapatan silang magparami ng lahi.

Kaya pang magtrabaho ni Gladys dahil hindi pa naman halatado ang kanyang tiyan, puwede pa siyang mag-taping para sa Oh My Mama, sa ikaapat niyang pagdadalantao ay alam na alam na ng magaling na aktres kung anu-ano ang bawal sa kanya.

“Masayang-masaya po kaming lahat, lalo na si Chris, dahil madadagdagan na naman ang inspirasyon namin para mas magsikap at magsipag,” sabi ni Gladys Reyes.

Magandang-maganda ang takbo ng kanilang relasyon, pinagbubuklod sila ng pagmamahal at respeto sa isa’t isa, mula nang magpakasal sila ay wala tayong narinig na anumang naging problema ng mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending