Kailan makakahanap ng trabaho? (2) | Bandera

Kailan makakahanap ng trabaho? (2)

Joseph Greenfield |September 29,2016
facebook
share this

Kailan makakahanap ng trabaho? (2)

Joseph Greenfield - September 29, 2016 - 01:46 PM

Sulat mula kay Honey ng  Alfaro St., Tetuan,  Zamboanga City
Problema:
1. Dalawang taon na akong gradueyt ng HRM pero hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho. Maraming kumpanya na ang pinag-aplayan ko pero puro pangako lang hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya na-obliga tuloy akong mag-trabaho sa kung saan-saan na hindi angkop sa aking kurso, tulad ng pagtitinda sa palengke. Gusto kong mag bago ang buhay ko kaya sana gusto kong malaman kung kailan kaya ako makakahanap ng maganda at regular na trabaho?
2. Gustong-gusto ko na kasing magkaroon ng trabaho, para makatulong sa aming pamilya. May 4, 1991 ang birthday ko. Sa pag-ibig naman po sa ngayon ay wala pa rin akong boyfriend, kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Honey Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing angkop na angkop sa zodiac sign mo ang kurso mong HRM, sapagkat ang mga Taurus ay tipikal at pangkaraniwan ng nagtatagumpay at nagiging maligaya sa mga career na may kaugnayan sa katakawaan at pagkain.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing biglang suwerte ang darating sa iyo bago matapos ang taong ito ng 2016 hanggang 2017, tulad ng nasabi na sa Cartomancy sa tulong ng isang lalaking isinilang sa petsang 16 o kaya’y 25, siya ang mala-superman na tutulong sa iyong career at magiging boyfriend mo upang sa da ko paroon ng susunod na mga taon tuloy-tuloy na kayong bubuo ng isang maunlad at maligayang pamilya.
Luscher Color Test:
Upang mapasok ka na agad sa trabaho kapag nag-aaplay ka mas mabuting magsuot ng kulay na red at dilaw. Sa ganyang kulay, susuwertehin ka na sa iyong career at tuloy-tuloy na magtatagumpay, hindi lamang sa career kundi maging sa pag-ibig man.
Huling payo at paalala
Honey ayon sa iyong kapalaran, isang may zodiac sign na Virgo ang tutulong sa iyo, upang mapasok ka sa isang malaking kumpanya na may kaugnayan sa pagkain. Sa nasabing kumpanya na may kulay red na logo, mareregular ka at tuloy-tuloy na aasenso, hanggang sa bandang huli don ka na rin makapag-asawa at magkaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya, hatid ng lalaking tumulong din sa iyo na may intial na R.C.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending