Bright Akhuetie bibitbitin ang Perpetual Help Altas sa NCAA Final Four | Bandera

Bright Akhuetie bibitbitin ang Perpetual Help Altas sa NCAA Final Four

Angelito Oredo |September 29,2016
facebook
share this

Bright Akhuetie bibitbitin ang Perpetual Help Altas sa NCAA Final Four

Angelito Oredo - September 29, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Bukas
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. San Beda vs Perpetual Help
4 p.m. Arellano vs Mapua

NAGKASUNDO na ang mga Nigerian na sina Bright Akhuetie at University of Perpetual Help Altas consultant Nosa Omorogbe matapos hindi magkaintindihan upang magbigay daan sa una na makabalik sa isang larong suspensiyon sa importanteng laban kontra paboritong San Beda College Red Lions sa 92nd NCAA men’s tournament Final Four bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Everything is okay now, he will play,” sabi ni Omorogbe patungkol kay Akhuetie.

Si Omorogbe, na isa ring dating manlalaro ng Perpetual Help at kasama sa coaching staff ng Las Piñas-based na Altas, at Akhuetie ay napaulat na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isa sa mga ensayo ng koponan na nagtulak para patawan ang manlalaro ng isang larong suspensiyon.

Dahil sa suspensiyon, hindi nakalaro si Akhuetie kontra Mapua Cardinals na naging daan para sa 63-67 kabiguan noong Biyernes na nagtulak padausdos sa Perpetual Help sa ikaapat na puwesto sa Final Four kontra No. 1 seed San Beda.

Gayunman, nagkasundo at nagpatawaran na ang dalawa upang abutin ang matinding misyon.
Bibitbitin ni Akhuetie para sa Perpetual Help ang matinding laro sa gitna ng court matapos magtala ng averages na 18.4 puntos (ikatlo sa liga), 12.3 rebounds (ikaapat) at 1.7 blocks (ikalima).

Inaasahan si Akhuetie at ang 6-foot-11 na si Prince Eze, na isa pang Nigerian, na sasamantalahin ang bentahe kontra San Beda na mas lumiit at gumaan sa gitna matapos mawala ang Cameroonian na si Donald Tankoua.

“It is one of the advantages that we are looking to take advantage off,” sabi ni Omorogbe.

Asam din ng Perpetual Help na putulin ang mahabang kabiguan kontra San Beda, na nagwagi sa kanilang huling tatlong sagupaan sa Final Four simula noong 2012 hanggang 2014.
Pilit din babawi si Omorogbe na ramdam ang masaklap na kabiguan kontra Red Lions matapos maging miyembro ng Altas noong 2012 at 2013.

“There’s always a first time,” sabi ni Omorogbe. “We just need to play as a team and believe on one another.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending