Heart nais makatrabahong muli ang ex na si Jericho Rosales | Bandera

Heart nais makatrabahong muli ang ex na si Jericho Rosales

Reggee Bonoan |September 29,2016
facebook
share this

Heart nais makatrabahong muli ang ex na si Jericho Rosales

Reggee Bonoan - September 29, 2016 - 12:20 AM

heart evangelista at jericho rosales

PART two ito ng interview namin kay Heart Evangelista sa ginanap na presscon ng Viva Artist Agency para sa muling pagpirma ng kontrata ng aktres.

Naisulat namin kahapon ang tungkol sa pagpapatayo ng bahay ni Heart kung saan inamin niyang nakapangalan lang sa kanya at hindi conjugal property. Ibig sabihin walang partisipasyon dito ang asawang si Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Heart apat na kuwarto ang ipinalagay niya sa bahay dahil, “Well, kaya nakaplano, kasi I only want to have one kid, ‘yung dalawa, para sa kids niya (kambal ni Chiz), at ‘yung isa para sa baby ko at yung isang kuwarto para sa amin (ng asawa).”

Tinanong namin ang aktres kung sinusuportahan pa ni Heart ang magulang niya kasi nga baka kaya naisip niya ang ganitong set-up ay para hindi pakialamanan ni Sen. Chiz ang ibinibigay niya sa pamilya. “No, eversince naman,” sagot ng aktres.

Ayaw nang sabihin ni Mrs. Escudero kung magkano aabutin ang pagpapagawa niya ng bahay pero sinigurado niyang hindi naman ito aabutin ng P50 million.

Naikuwento rin ni Heart na excited daw ang kambal ni Sen. Chiz sa pagkakaroon nila ng kapatid, “They’re the ones who are very excited, kasi sabi ko, we’ll having one, sabi nila, ‘boy-girl’. So, nu’ng nagpilian na ng kuwarto, they decided that the baby would be in between two rooms,” nakangiting kuwento ng aktres.

Posibleng maging kambal din ang magiging anak nina Heart dahil both sides ay may lahi silang kambal, “Kung ibibigay why not, but I’m very practical you know, you want to make sure that you give them a good future, the best education and mahahati at mahahati ang (atensyon),” ani Heart.

May alagang limang aso si Heart at magiging parte raw ito ng pamilya nila at siya rin lahat ang sagot ng gastusin ng mga ito. Sino naman ang bumibili ng mga Hermes bag niya, “Ako ‘yun siyempre, nagagalit yun (Chiz) kapag bumibili ako ng anything, hindi kasi siya magastos.”

Sa tanong kung anong pinakamahal na naibigay na ni Sen. Chiz sa kanya, nag-isip muna si Heart, “What’s expensive, siguro my engagement ring, the one his mom gave him.”

Maging ang magarbong kasal daw nila na ginanap sa Balesin Island ay, “May sponsors kami, laking tulong ng GMA actually, everything. He’s very, very good with budgeting, that’s why when it comes to my money, he doesn’t hold my money, but he advises me ‘don’t overspend this much, how many bags do you get? You have to stopped, you wait for the next year’, ganyan siya.”

At inamin din naman ng aktres na ang madalas nilang pagdiskusyonang mag-asawa ay ang pagiging magastos niya at tanggap naman niya kapag pinagsasabihan siya. Pero hindi pa rin daw siya nadadala kasi nga pinagtatrabahuan naman niya ang kanyang mga luho.

q q q

Natawa ang aktres sa tanong na kapag nagkaanak na sila ni Sen. Chiz ay maghahati na sila sa gastos, “Siguro naman, we’re gonna talk about that.”

Game na game ring sinagot ng aktres ang mga kinky question ng press. Sino ang madalas magyaya o mangalabit sa kanila ni Sen. Chiz? “My God! I think, pareho lang kami, the relationship is very new, so pareho lang kami.” Sundot namin kung gabi-gabi, “In a week of course,”

Best time for sex, “Gabi, pareho kaming gabi.” Sundot namin, sex or chocolates? “Sometimes chocolates. Ha-hahaha!”

Napunta ang usapan kung willing si Heart gumawa ng pelikula kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales, “Of course! You know, at the end of the day, we got bills to pay. We’re gonna be practical,” sagot ng aktres.

Okay na ba sila ni Echo? “I don’t know, kasi after the break-up wala na, hindi na kami nagkita. Okay lang siguro, I don’t know, ask him. I’m okay, I’ve been okay, there’s no issue. I have no problems working with him.”

“We didn’t have a problem with each other naman talaga, it’s a known fact that it was my parents who didn’t want us together, so I don’t at all hate him,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkaroon ba ng closure sina Heart at Echo? Tanda kasi namin bigla na lang nabalitang hiwalay na sila pagdating ng aktor galing ng Malaysia kung saan nag-shoot siya ng seryeng Kahit Isang Saglit kasama si Carmen Soo.

“Yes! He got married and I got married, that’s good enough closure,” mabilis na sabi ng aktres.
Kaya paging Viva Films at Star Cinema, willing si Heart to do a movie with Jericho, magandang materyal ito, di ba bossing Ervin? (Oo nga, I love HeartCho! – Ed).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending