Alex sa relasyon nila ni Joseph: Baka mawala ang kilig pag tinotoo namin! | Bandera

Alex sa relasyon nila ni Joseph: Baka mawala ang kilig pag tinotoo namin!

Jun Nardo |September 29,2016
facebook
share this

Alex sa relasyon nila ni Joseph: Baka mawala ang kilig pag tinotoo namin!

Jun Nardo - September 29, 2016 - 12:05 AM

alex gonzaga at joseph marco
HINDI kinopya ni Alex Gonzaga ang acting ng sister niyang si Toni Gonzaga sa pelikulang “My Rebound Girl”.

Yun kasi ang napansin ng members ng press na nakapanood sa premiere night ng pelikula last Tuesday sa SM Megamall Cinema 7.

“Wala. Hindi. Ang conscious effort sa akin ay husayan ang mga pinagagawa sa akin ng direktor,” katwiran ni Alex sa dinner ng cast.

Napansin din ni Alex na sa ilang eksena ay parang ang ate niya ang kanyang pinapanood sa screen.
Nagkasakit kasi siya after ng shooting sa Baguio. Nagkaroon daw siya ng phlegm kaya kailangan iresyut ang eksenang ngongo ang boses niya.

“Ang boses pala ng ate ko parang may sipon dito,” sey niya.

Sa movie nagsisigawan ang fans nila kapag naglalambingan na sila ni Joseph Marco. Bakit Di na lang nila totohanin ang pagkakaroon ng relasyon dahil bagay naman sila?

“Mas mabuti na ang ganito. Baka mawala ang kilig pag tinotoo namin,” katwiran ni Alex.

Para kasing may nararamdaman na sila para sa isa’t isa, huh! “Siya siguro!” sambit ni Alex.

Meron na bang nabuo (na feelings)? Hindi sumagot si Alex. Nagtitigan lang sila nang malagkit ng katabing si Joseph Marco.

Sa totoo lang, makikita sa movie ang very Alex Gonzaga acting pero tadtad din siya ng dramatic moments na naitawid niya nang bonggang-bongga!

Kaya naman after ng screening proud sister si Toni Gonzaga habang nakahawak sa asawang si Paul Soriano. Sumuporta rin kay Alex sina Bimby Yap, Aiza Seguerra, Liza Dino, IC Mendoza, Isabelle Daza, kanyang parents at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na nationwide sa 145 theaters ang “MRG” mula sa direksyon ni Emman dela Cruz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending