Kim Rodriguez papasukin ang mundo ng ilegal na droga | Bandera

Kim Rodriguez papasukin ang mundo ng ilegal na droga

Ervin Santiago |September 29,2016
facebook
share this

Kim Rodriguez papasukin ang mundo ng ilegal na droga

Ervin Santiago - September 29, 2016 - 12:25 AM

kim rodriguez

ANG Kapuso star na si Kim Rodriguez ang bibida sa episode ng Karelasyon ngayong Sabado.

Gagampanan ni Kim ang papel ni Jenny, isang dalagang nais makawala sa mala-impiyernong tahanan at mala-demonyong mga magulang. Hindi na umaasa si Jenny na magbabago pa ang kanyang ama at live-in partner nito na kapwa lulong sa droga.

Ang nais lamang niya ay makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng marangal na trabaho, at mailayo ang mga inosenteng kapatid mula sa hirap at peligro.

Handa na nga sana si Jenny tiisin ang lahat ng pagdurusa hangga’t maging handa siyang bumukod kasama ang mga mahal niyang kapatid. Subalit nang magsimula nang siya’y molestiyahin ng iba’t ibang lalaki bilang “bonus” sa mga transaksyon ng droga ng kanyang ama, mapipilitan na siyang lumaban.

Matatakasan pa kaya ni Jenny ang masalimuot na mundong kanyang ginagalawan? Paano siya matutulungan ng kasintahan niyang wala rin muwang gaya niya? Matupad pa kaya niya ang munti niyang pangarap? Huli na ba ang lahat para sa mga magulang o pwede silang magbago?

Sa direksyon ni Michael Christian Cardoz, tampok rin dito sina Juancho Trivino, Antonio Aquitania, at Ana Capri, kasama sina Lucho Ayala, Kenken Nuyad at Nafa Hilario.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Carla Abellana tuwing Sabado, pagkatapos ng #Like sa “Sabado 4D Win” ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending