Gary inatake ng depresyon nang dahil sa pagkamatay ng kaibigan | Bandera

Gary inatake ng depresyon nang dahil sa pagkamatay ng kaibigan

Julie Bonifacio |September 28,2016
facebook
share this

Gary inatake ng depresyon nang dahil sa pagkamatay ng kaibigan

Julie Bonifacio - September 28, 2016 - 12:25 AM

gary estrada

DUMARAAN sa lungkot ang actor-politician na si Gary Estrada. Namatay ang isang malapit na kaibigan at kaalyado niya sa politika dahil sa atake sa puso at sakit sa atay.

Kasabay nito, nakakaramdam din daw siya ng takot after makita ang result ng kanyang medical check-up recently. Hindi raw maganda ang result ng mga test niya.

Bukod diyan, nakaramdam siya nang pagsikip sa kanyang paghinga. Buti na lang daw at maaga pa lang ay nalaman na ni Gary ang kalagayan ng kanyang kalusugan kaya dobleng pag-iingat na ang kanyang gagawin.

Gusto pa naman ni Gary na magka-baby sila ulit ng misis niyang si Bernadette Allyson. Humihirit pa ng isang anak na lalaki si Gary kay Bernadette. Puro babae kasi ang tatlong anak nila ni Bernadette. Kaya hiling niya na makaisang anak na lalaki pa siya.

Although, lalaki ang una niyang anak na ngayon ay isang Kapuso star na rin na si Kiko Estrada. Anak ni Gary si Kiko sa kay Cheska Diaz na dating artista rin at kapatid ni Joko Diaz. At parehong batikang character actors ang mga lolo ni Kiko.

“Gusto naming magkaroon ng anak na lalaki. Kaya mapapa-workout kami para lalaki ang maging anak naming. Aalamin mo ‘yung cycle,” lahad ni Gary.

Nais ni Gary na maranasan ang may pinalalaking anak na lalaki sa tabi niya. Lumaki raw kasi kay Cheska si Kiko kaya hindi niya talaga nakasama noong bata pa ang Kapuso star.

Pero kung si Bernadette ang tatanungin, ayaw na raw sana niyang magbuntis ulit, “Hindi naman sa ayaw. Kaya lang ‘di ba 39 na ako. Kapag nanganak ako 40 or 40 plus siguro,” sabi ni Bernadette.

Nakausap namin sina Gary at Bernadette sa isang resto sa Pasig kasama ang dalawa sa tatlo nilang anak na babae. That time, kabibili lang nila ng bagong black Montero kapalit ng lumang sasakyan na ginagamit ng kanilang mga anak.

Hirit naman ni Gary kay Bernadette tungkol sa posibilidad na magka-baby sila ulit, “Pwede pa. Siguro by next week paplanuhin ko na ‘yan.”

Fifteen years ng happy family sina Gary at Bernadette. For them, wala naman daw talagang sikreto kung paano sila tumagal ng 15 years considering na may image noon si Gary na lapitin ng mga babae.

“Hindi,” tanggi ni Gary. “Ang akala mo lang talaga, mukha lang talaga akong butangero at playboy. Pero ang hindi mo alam mabait talaga ako. Echos! Ha-hahaha!”

Notorious kasi sa showbiz ang pamilya Estrada pagdating sa babae, “Ako kasi, siyempre when you say you get married, you really want to get married. Sa pamilya ko naman, kahit kasal naman ang dami (babae) ‘di ba? But they remained married.”

In fairness to Gary, ‘yung ibang nakarelasyon niya na artistang babae ay nahiwalay at may bago ng partner in life. And recently, nabalita na hiwalay na rin sa kanyang mister si Donita Rose na isa sa nakarelasyon niya noon.

“Ah, talaga? Hindi ko alam na hiwalay na sila,” nagulat na pahayag ni Gary.

Natatawa naman si Gary habang iniisip na nagkatrabaho na sa teleseryeng That’s My Amboy sa GMA 7 ang anak niyang si Kiko at si Donita.

“May na-meet ako na mga tao na sinasabi sa akin na naglolokahan, mommy at son daw ang tawag nila. Sila raw ang mag-ina doon. I’m happy for them. At least finally nagkita rin sila ‘di ba?”

Wala namang isyu kay Bernadette just in case na magkasama ulit sa isang proyekto ang mister niya at ex-girlfriend ni Gary na si Donita.

q q q

Sobrang nakaka-inspire ang kwento ng buhay ng silver medalist sa nakaraang Rio Olympics na si Hidilyn Diaz na napanood namin sa Maalaala Mo Kaya last Saturday. Ang dami pala niyang pinagdaanan na hirap bago masungkit ang medalya sa sports na weighlifting sa Rio Olympics.

Lumaki si Hidilyn sa isang mahirap na pamilya sa Zamboanga City. Pero kahit na salat sa pera, tanging ang atensyon at pagmamahal lang ng kanyang pamilya ang kanyang kinailangan upang malagpasan ang mabibigat na hamon ng buhay.

Madalas pala siyang pinag-iigib ng tubig nu’ng bata siya. Pero nadiskubre lang ang lakas niya ng kanyang pinsan noong 2002. Sumama siya training sessions at naging masigasig sa pagsasanay.

Agad siyang isinabak sa labanan sa loob at labas ng bansa sa weightlifting. Hindi lang siya nakatulong sa pamilya niya dahil sa pagsali-sali niya sa sports na ‘to kundi nagging daan pa para siya’y makapagtapos ng pag-aaral. At noong 2014, nagkasunud-sunod ang personal at propesyunal na problema sa buhay niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang laking karangalan tiyak para sa aktres na si Jane Oineza sa pagkakapili sa kanya para gumanap bilang Hidilyn. Kita naman na pinagbuti ni Jane ang pagganap niya sa programa ni Charo Santos bilang si Hidilyn.

Ang nasabing episode ay idinirek ni Dado Lumibao. Napapanood pa rin ang MMK sa ABS-CBN tuwing Sabado ng gabi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending