Chiz hindi binibigyan ng sustento si Heart | Bandera

Chiz hindi binibigyan ng sustento si Heart

Reggee Bonoan |September 28,2016
facebook
share this

Chiz hindi binibigyan ng sustento si Heart

Reggee Bonoan - September 28, 2016 - 12:20 AM

chiz escudero at heart evangelista

SINONG magsasabing 31 years old na si Heart Evangelista-Escudero? Hindi kami makapaniwala dahil parang wala namang nabago sa itsura at katawan niya kahit na nag-asawa na siya.

Ito agad ang napansin namin nang mag-renew ulit ng two-year contract si Heart sa Viva Artists Agency nina Viva big boss, Vic del Rosario at Ms. Veronique del Rosario-Corpus sa Viva Conference room noong Lunes ng hapon.

Kaya ang tanong agad sa aktres ay kung paano niya napapanatili ang kanyang slim na katawan at ang fresh and younger looking aura sa kabila ng pagiging maybahay ni Sen. Chiz Escudero for almost two years now.

“Meron akong nutritionist and just living a happy life,” kaswal nitong sagot.

Pero sa susunod na taon, simula Enero ay kakarerin na raw nina Heart at Sen. Chiz ang paggawa ng baby at gusto niya ay isang anak lang, kesehodang girl or boy, basta’t isa lang daw.

“Basta’t anytime sa January, February onwards (sisimulan ng bumuo ng baby), kahit na anong ibigay sa akin basta healthy, wala akong hinihingi. Si Chiz kahit ano rin (boy or girl), he’s not the type of a person who is obsessed to have a baby. Kasi alam din naman niya na I have work and may contract pa ako. Sabi niya, ‘you know, whatever comes first,” pahayag ni Heart.

Pelikula at TV commercials ang pinirmahang kontrata ni Heart sa Viva sa loob ng dalawang taon at pang-limang renewal na ito ng aktres.

As of now ay kino-conceptualize pa ang gagawing pelikula ni Heart sa Viva, “Akala kasi nila (management) hindi na ako magmu-movies, sabi ko gagawa ako, at least one movie in two years,” sabi pa ni Mrs. Escudero.

Nakakapagtaka na bakit kayod marino pa rin si Heart gayung kaya naman siyang buhayin ng asawa niya at puwede na lang niyang asikasuhin ang asawa’t mga anak nito.

“No, I have to (magtrabaho). Well, ako kasi ano, eh, we have a pre-nup, both. So what’s mine before and after will be mine, ganu’n din sa kanya kasi we have a modern family, I don’t like to discuss about money, he has two childen and then I have rin my own (soon) so ayoko ng may mag-aaway-away pa or what. So anuman ‘yung sa kanila, kanila para malinis,” paliwanag ng aktres.

q q q

Nagulat kami na kanya-kanya rin sila ng pera ng asawa maski sa pagbabayad ng bills ay wala silang pakialaman kaya ang tanong namin ay ano lang ang ginagastos ni Sen. Chiz para sa kanya.

“I’m very independent, wala siyang ibinibigay, well, of course pag nagdi-date kami, sagot niya, but with other things, akin,” sabi pa.

Ang revelation pa ni Heart kaya sagot niya ang pagbabayad ng kanyang bills, “Kasi technically now, kapitbahay pa kami, pero he leaves with me, isang compound lang kami sa Woodside (subdivision), so townhouse ‘yun.

“But of course, we have to move our own soon, I’ll make a house, so they’ll move with me, matagal ko nang ipinapagawa ‘yung house, binabahay ko na siya (natawang kuwento ng aktres).”

So, imbes na si Sen. Chiz ang magpagawa ng bahay para sa asawa ay baliktad ang nangyari, si Heart ang nagpapagawa ng bahay para sa mister niya.

“Seryoso, kasi it’s better like that, kunwari, when I have my own, it’s different, we’re very modern, we’re Filipino ganyan, but again, we have a modern family, it’s the same with my family. Kasi my dad was married before and my mom was married before, his and hers, ours sila parang ganu’n din mangyayari sa amin and it’s better and I don’t like to talk about money. And nowadays kung sino ‘yung mas kumikita, bakit ka magpapaka-selfish?” paliwanag ng aktres.

Ang set-up ng mag-asawa ngayong wala pang bahay, “Tulog siya (Chiz) sa akin everyday/everynight, the kids stay with their house pero magkakasama kami pag dinner everyday. Malapit lang naman kasi ang bahay nila konting lakad lang.”

At walang habol ang husband niya sa bagong bahay niya dahil nasa pangalan nga niya ito, walang conjugal proptery, “Wala nga, love lang kami,” natawang sagot ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong namin kung lilipat na si Sen. Chiz sa bahay niya o sa bahay na ipinagawa niya ay ano ang magiging kontribusyon ni hubby, “Mag-uusap palang kami. Ha-hahaha!” sagot ng aktres.

Ang ideyang ito ay nanggaling daw kay Sen. Miriam Santiago, nag-suggest ang senadora na magkaroon sila ng pre-nuptial agreement para walang maging problema pagdating ng araw at ito rin pala ang gustong mangyari ng magulang ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending