Taga-Cebu wagi ng P26.5-M Mega Lotto jackpot | Bandera

Taga-Cebu wagi ng P26.5-M Mega Lotto jackpot

Leifbilly Begas |September 27,2016
facebook
share this

Taga-Cebu wagi ng P26.5-M Mega Lotto jackpot

Leifbilly Begas - September 27, 2016 - 02:04 PM
SA Cebu City tumaya ang nanalo ng P26.8 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola Lunes ng gabi. Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Bato Samboan. Nagkakahalaga ng P20 ang taya ng nanalo at siya ang namili ng mga numerong 3-31-11-21-42-41 na lumabas sa bola. Ang nanalo ay mayroong isang taon para kung ang kanyang premyo. Kung hindi ito ay mapupunta sa Charity Fund ng PCSO na pondong itinutulong nito sa mga nangangailangan. Nanalo naman ng tig-P18,750 ang 45 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P580 naman ang 1,163 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 17,107 mananaya na nakatatlong numero. Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending