True ba, abs ni Jak Roberto produkto ng steroids? | Bandera

True ba, abs ni Jak Roberto produkto ng steroids?

Ervin Santiago |September 27,2016
facebook
share this

True ba, abs ni Jak Roberto produkto ng steroids?

Ervin Santiago - September 27, 2016 - 12:25 AM

jak roberto

TOTOO nga bang nakuha ng Kapuso hunk na si Jak Roberto ang kanyang six-pack abs sa pamamagitan ng paggamit ng steroids?

Unti-unti nang sumisikat ngayon ang binata dahil na rin sa ginagawa niyang pagpapaseksi sa kanyang mga programa sa GMA, palagi talaga siyang nakahubad sa kanyang mga eksena kaya naman palagi siyang pinag-uusapan ng mga beki sa social media.

Sa presscon ng bagong show ni Jak sa GMA, ang Usapang Real Love (URL) na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, dinenay niyang nagte-take siya ng steroids o anumang uri ng gamot para mas gumanda ang kanyang katawan, lalo na ang kanyang abs.

“Kahit naman noon ay may abs na ako. Kung makikita lang nila ang mga old modeling photos ko, may abs na ako talaga.

“Hindi ako apektado sa sinasabi nila na nag-steroids daw ako para ma-achieve ko ang six-pack abs. Hindi naman kasi totoo po iyon. I go to the gym almost every day para mag-work out.

“Hindi raw dapat mawala ang mga abs ko or else wala akong trabaho!” natatawa pang chika ni Jak sa isang panayam.

Sikat na sikat ngayon si Jak sa mga netizens dahil sa kanyang mga sexy video kung saan lantad na lantad ang kanyang magandang katawan. Sa katunayan, maraming bading ngayon ang nagpapantasya sa kanya simula nang kumalat ang kanyang mga video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending