Horoscope, September 27, 2016 | Bandera

Horoscope, September 27, 2016

Madam Sophia |September 27,2016
facebook
share this

Horoscope, September 27, 2016

Madam Sophia - September 27, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Pula ang pinaka-mapalad na kulay. Sa kulay na pula kusang darami ang pera. Sa kulay na pula sasarap at sasaya din ang romansa. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Bukod sa red ang violet ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Alalahanin malungkot ang pasko kapag kapos ang budget. Ang dapat ngayon pa lang unti-unti ka ng mag-ipon. Sa pag-ibig, iplano nyo na ng iyong kasuyo ang isang simple, pero masayang pagdriwang ng kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimu-Soph-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag magtiwala sa isang taong nagbabait-baitan, tinitiktikan ka lang n’yan, upang utangan! Bago maglabas ng malaking halaga ng salapi, isipin muna ng 10 beses. Sa pag-ibig, mas masarap ka-relasyon ang mga payat sa kanila ka liligaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Araanam-Om-Kabalam.” Blue at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Alahas na silver ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, iinit lalo ang relasyon kung ang silver na singsing ang laging susuutin. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silve ang gray ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Iwasan ang haling na relasyon upang hindi mapahamak. Kung makikipag-relasyon sa maling nilalang, dapat mo siyang pagkaperahan. Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang pasko. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Dahil sa pagiging malapit sa mga nakatataas lihim kang kaiingitan. Wag ka kasing ma-epal. Kung patuloy sa pagiging low profile mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa pag-ibig, dagdagan pang lalo ang pakikipag-ulayaw sa isang Aries. Mapalad ang 4, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Ketu-Om.” Gold at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag malungkot kahit hindi natapos ang ginagawa, may bukas pa naman! Yan ang katuwiran ng mga tamad. Kung mananatiling ganyan ang lagay ng isipan, malabo kang yumaman. Sa halip, upang umunlad, ituring mong wala ng bukas at ito na ang huling araw. Mapalad ang 8, 14, 23, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Itigil na ang madalas na pagpe-facebook. Walang maitutulong na maganda sa iyo ang bagay na yan. Sa halip panahon na upang mag-isip ng pagkakakitaan. Sa pag-ibig matutuwa ang kasuyo kapag sinabi mo sa kanyang “hindi na ko addict sa FB.” Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Um.” Pink at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa mga kaibigan manggagaling ang malaking halaga ng salapi ng hindi inaasahan. Sa pag-ibig, isang matabang naka-uniporme ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhar-Masya-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan. Akuin ang pagkakamali ng mga kasama, ganyan talaga ang leader, matapang. Sa pag-ibig, hayaan mong mag-reklamo ang kasuyo, wala naman siyang magagawa sa gusto mo. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Red at gray ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Maraming salapi ang darating at ito ay hindi mo dapat na sayangin! Pagkakataon mo ng mag-saving para sa future. Sa pag-ibig, walang mabuting idudulot ang pabago-bago ng damdamin – utak at isip ang paganahin. Mapalad ang 1, 5, 14, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Aum-Sandhapa-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi totoong masama kang magalit, ang totoo masama kang mag-mahal! Iwasan ang ganyang kahibangan upang sa sandaling muli kang iwanan, hindi ka na masyadong masaktan. Sa pinansyal, habang hindi pa pumapasok ang buwan ng Oktubre, nganga pa rin. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Red at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — May kakaharapin na namang suliraning may kaugnayan sa salapi. Dating gawi na naman, maghahanap ng mauutangan. Sa pag-ibig, panahon na para hiraman ng salapi ang kasuyong Libra. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Yellow at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending