Male celebrity tumigil sa pagbibisyo pero may ‘sakit’ pa rin | Bandera

Male celebrity tumigil sa pagbibisyo pero may ‘sakit’ pa rin

Cristy Fermin |September 27,2016
facebook
share this

Male celebrity tumigil sa pagbibisyo pero may ‘sakit’ pa rin

Cristy Fermin - September 27, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0316

HANGGANG ngayon pala ay wala pa ring nagaganap na pagbabago sa buhay ng isang kilalang male personality. Sa dami na ng nangyari sa kanyang career na dating mabango pero biglang naglaho ay wala pa rin siyang kadala-dala.

Napakarami na ngang oportunidad na nawala sa kanya dahil sa kawalan niya ng disiplina, pero hanggang ngayon pala’y nakalutang pa rin siya sa alapaap, wala pa rin siyang disiplina.

Ayon sa mga kuwento ay mukhang hindi na siya nagbibisyo ngayon, takot na lang niya sa mga otoridad na walang sinasanto, pero ang anino ng kanyang nakaraang kinahuhumalingan ay bitbit pa rin niya.

Ayon sa aming source, “Hindi pa rin siya maaasahan, wala pa rin siyang disiplina, sinasayang niya ang mga pagkakataong ibinibigay ng mga kaibigan niyang show promoter!

“Imagine, siya na nga itong tinutulungan at pinagmamalasakitan, pero hindi pa niya ‘yun ina-appreciate? Sa pakiusap ng mga kaanak niya, e, may mga nagbibigay na nga sa kanya ng mga raket, pero wala pa rin siyang disiplina!

“Tama bang katamaran pa niya ‘yun, samantalang wala na nga siyang kabuhayan showcase? Dapat, baguhin na niya ang ugali niya, magpaka-professional na siya, para kahit paano naman, e, magkaroon siya ng pagkakakitaan!

“Ngayon pa ba naman siya aasta ng ganyan, kung kailan waley na waley na ang career niya? Sino pa ba ang sasalo sa kanya kundi ang mga friends niya, nawalan na ng tiwala sa kanya ang mga show promoters?

“Naku, bago pa mahuli ang lahat, e, kailangan na niyang magbago, huwag na niyang hintaying kainin ng laho ang name at career niya, sayang siya!” kuwento ng aming impormante.

Napahiya ang kanyang kaibigan sa pinakahuling raket na ibinigay sa kanya. Alas otso nang gabi dapat sila magkikita-kita sa isang lugar pero alas onse na siyang dumating.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, itim ba ang paborito n’yong kulay?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending