Piolo pinagtawanan lang ang 'video scandal' nila ni Luis | Bandera

Piolo pinagtawanan lang ang ‘video scandal’ nila ni Luis

Ervin Santiago |September 27,2016
facebook
share this

Piolo pinagtawanan lang ang ‘video scandal’ nila ni Luis

Ervin Santiago - September 27, 2016 - 12:20 AM

piolo pascual at luis manzano

ISANG malakas na tawa lang ang isinagot ni Piolo Pascual nang tanungin ng press tungkol sa “video scandal” nila ni Luis Manzano na kumalat sa internet.

Kuha ang nasabing video sa isang Facebook Live session ni Luis. In fairness, nag-trending agad ito sa social media, na umani ng kung anu-anong reaksiyon mula sa netizens. May natuwa at natawa sa pinaggagawa ng dalawang Kapamilya stars pero meron ding nandiri at nangnega sa kanila.

Mapapanood sa nasabing video si Piolo na nasa likuran ni Luis na naka-topless. Umalis sandali ang aktor at pagkatapos ay bumalik uli para ayusin ang pagkaka-tuck in ng kanyang polo shirt.

“That was the first time I experienced that. Hindi ko alam na ganun pala ang Facebook Live. So, I learned my lesson.

“I guess I was too uncensored when I did it because he did it sa dressing room namin. Hindi ko alam na ina-upload pala ‘yon. Okay lang, charge it to experience.

“Yung mga ganu’n, when it gets uploaded, hindi mo na maaalis sa YouTube. What people see there is the real thing. Yun ang uso, e. You know, for the sake of your viewers, di ba?” mahabang pahayag ni PJ.

Pero sinabi ni Piolo na wala siyang Facebook account kaya wala siyang kaalam-alam sa mga nakapanood sa video ni Luis, “I have no idea kung ano yung mga comments,” natatawang chika pa ni Piolo sa isang panayam.

“It’s his (Luis) account, so kung may mga nagsalita doon ng kung anu-ano, mas maganda na yung hindi ko alam,” sey pa ni Papa P.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending