Horoscope, September 26, 2016 | Bandera

Horoscope, September 26, 2016

Madam Sophia |September 26,2016
facebook
share this

Horoscope, September 26, 2016

Madam Sophia - September 26, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Agapay buhat sa iba ang magbibigay ng ligaya. Isang Aqua-rius ang tutulong upang masimulan na ang negosyong matagal ng binabalak. Sa pag-ibig, may masarap na relasyon sa isang Aquarius na mararanasan. Mapalad ang 5, 15, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: Om-Vedanta-Aum-Krisna.” Silver at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag matigas ang ulo. Hindi dapat ipagpilitang lagi ang iyong gusto. Habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Sa pag-ibig, hayaang ang kasuyong Sagittarius naman ang masunod. Mapalad ang 3, 6, 21, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Violet at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Bago simulan ang trabaho, humigop muna ng fruit juice, sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang isipan. Sa pag-ibig, habang lumalapit ng lumalapit ang kapaskuhan tuloy ang masarap na suyuan sa piling ng isang Virgo. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Lilac at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa ibang bansa, mas magiging maligaya, higit lalo sa aspetong pag-ibig at pang-pinansyal. Hindi dapat sayangin ang panahon, umpisahan ng mag-aplay ngayon sa abroad. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om.” Silver at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Bagamat marami pa rin ang gumagamit ng plastic, wag mo silang tularan sa pag-ibig laging magpakatotoo sa minamahal. Sa negosyo, ang pagiging matapat sa mga kliyente at suki ang susi ng mabilis na pag-unlad. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Om.” Pink at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—May pagka-gastador at bulaksak ang isang Leo. Masosolusyunan ang problema kung mag-aasawa ka ng kuripot, sa katauhan ng isang Capricorn mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 1, 4, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag isiping nagkaka-edad ka na, sa halip sa aspetong pang-pinansyal, marami ka pang magagawa upang umunlad at magpayaman – umpisahan mo na ngayon. Sa pag-ibig at romansa, tandaang, kalabaw lang ang tumatanda, kaya mo pang maka-dalawa. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi madaling magpatawad, ngunit kailangan mong gawin dahil malapit na ang pasko, upang muling mabuo ang relasyon! Sa pananalapi, patawarin at kalimutan na ang mga pautang na matagal ng hindi nakakabayad. Mapalad ang 6, 12, 27, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag magtanim ng galit sa kapwa lalo na at magpapasko pa naman. Kung wala ng galit sa puso at isipan, tuloy-tuloy ng makakamit ang maligayang relasyon at kusa na ring darating ang suwerteng pangmateryal. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at brown ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mas madaling sinusuwerte ang mga Sagittarius kapag naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi dapat argabyaduhin ang mga maliit, anoman ang iyong hangad, lumaban ka ng patas. Sa pag-ibig, panay ang awat sa iyo ng kasuyo, pero ang totoo – gustong-gusto naman talaga nya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi dapat magmukmok at tanggapin na lang ang kapalaran. Kung hindi palalaguin ang kabuhayan ngayon, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi mo patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw ikaw din ang mawawalan. Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Gold at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Malinaw na ang bolang kristal may malaking salaping darating sa buwan ng Oktubre. Sa pag-ibig, tuwing magkakapera bahaginan ang kasuyo ng anomang grasyang natatanggap upang magpatuloy ang masayang suyuan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gita-Bhagava-Om.” Green at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending