Sex scenes nina Echo at Arci gabi-gabing trending sa Magpahanggang Wakas | Bandera

Sex scenes nina Echo at Arci gabi-gabing trending sa Magpahanggang Wakas

Ervin Santiago |September 26,2016
facebook
share this

Sex scenes nina Echo at Arci gabi-gabing trending sa Magpahanggang Wakas

Ervin Santiago - September 26, 2016 - 12:10 AM

arci munoz at jericho rosales

PATULOY na kinakapitan at tinututukan ng mga manonood ang kuwento ng pinakabagong primetime serye ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas kaya naman pataas din nang pataas ang rating nito.

Agad na napukaw ang puso ng mga manonood sa kuwento ng pag-iibigan nina Waldo (Jericho Rosales) at Aryann (Arci Muñoz) at nagtala ng national TV rating na 25.1% sa pilot episode nito ayon sa datos ng Kantar Media.

Nasabik din ang netizens sa maiinit na tagpo na ng serye kung kaya naman napasama sa listahan ng tren-ding topics sa Twitter ang official hashtag ng palabas na #MWHubadNaSimula.

Sa unang episode nito, nakilala ng mga tao sina Waldo at Aryann, dalawang taong lubos na nag-iibigan ngunit sinubok ng tadhana matapos makulong ng binata dahil sa pagpatay sa taong nagtangkang mansamantala sa kanyang nobya.

Ano nga kayang kinabukasan ang naghihintay kina Waldo at Aryann? Ito na ba ang katapusan ng kanilang pagmamahalan?

Huwag palampasin ang Magpahanggang Wakas pagkatapos ng Till I Met You sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending