Alex kay Joseph: Para siyang kapeng barako na may brown sugar, matapang pero sweet! | Bandera

Alex kay Joseph: Para siyang kapeng barako na may brown sugar, matapang pero sweet!

Ervin Santiago |September 26,2016
facebook
share this

Alex kay Joseph: Para siyang kapeng barako na may brown sugar, matapang pero sweet!

Ervin Santiago - September 26, 2016 - 12:10 AM

 

alex-gonzaga-at-joseph-marco

TUMODO nang husto sina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa biggest acting break nila sa big screen, ang “My Rebound Girl” na mapapanood na sa Set. 28.

Walang alinlangan ang mga landian at lampungang ipinakita nila sa pelikula. Wagas na wagas at totohanan na nga raw ang kanilang mga eksena. Kaya naman, umaapaw talaga ang magic at chemistry nina Alex at Joseph na nagsimulang lumutang nang gawin nila ang TV series na Pure Love.

Kaya naman nang ilabas sa social media ang trailer ng “MRG,” mahigit isang milyong views agad ang hinamig nito!

Maging sa mga mall shows na pinuntahan nina Alex at Joseph, hindi scripted ang lambingan nila onstage. Kilig na kilig at kyut na kyut ang harutan nila kaya maugong ang tsismis na nagkakamabutihan na silang talaga.

Eh nag-swak din ang magkaiba nilang image. Kiti-kiti, kikay at feeling maharot ang dating ni Alex. Si Joseph naman, tahimik at seryoso lang. Magkaibang mundo and yet, may dating na kilig na hindi pilit.

Bukod sa mall shows, nasaksihan din nang personal ng fans ang tamis ng tandem nina Alex at Joseph. Nang maging service crew sila ng ilang sa KKK (Kanya-Kanyang Kape) coffee shop sa Maginhawa St., lutang na lutang ang maganda nilang samahan. Si Alex ang kumukuha ng order na kape habang si Joseph naman ang nagsisilbi ng order na coffee.

Komo nga coffee ang background ng kanilang love story sa “MRG,” para kay Alex, isang kapeng barako ang dating ng leading man. “Ma-tapang pero kapag nilagyan mo ng maraming brown sugar, lumalabas ang kaswitan!”

Para naman kay Joseph, capuccino ang dating ni Alex dahil matamis na ay marami pang cream

Naudlot man ang napi-pintong pagkakaroon ng relasyon nina Alex at Joseph nu’ng magtambal sa telebis-yon, sa “MRG,” walang dudang dumating na ang tamang panahon upang sila ay magkaroon na ng relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo na ang humusga kung meron na nga bang namamagitan sa kanila sa bagong kilig at hugot film na “My Rebound Girl” ng Regal Films.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending