Ryan binataan ang basher ng mga anak, napamura sa sobrang galit | Bandera

Ryan binataan ang basher ng mga anak, napamura sa sobrang galit

Ervin Santiago |September 25,2016
facebook
share this

Ryan binataan ang basher ng mga anak, napamura sa sobrang galit

Ervin Santiago - September 25, 2016 - 05:40 PM

ryan agoncillo

GALIT na galit si Ryan Agoncillo sa isang basher na nanlalait at nambabastos sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng Instagram.
Binalaan ng TV host-actor ang nasabing netizen na huwag na huwag kakantiin ang kanyang pamilya dahil hindi niya uurungan ang mga ito. Napamura pa nga ang mister ni Judy Ann Santos dahil sa sama na loob.

Sa kanyang IG post kahapon, makikita ang picture ng panganay na anak na si Yohan, dito nga siya nagbigay ng warning sa Instagram user na laging nagpo-post ng negative comments gamit ang iba’t ibang accounts.

Sey ni Ryan, “Yeah I know you I’ve blocked many of your accounts so youre reading this with another one. You know who you are. Bash me all you want , BUT DONT EVER FU***K WITH MY KIDS.”
Samantala, sinagot din ni Ryan ang tanong ng isa niyang follower kung kailan siya babalik sa Eat Bulaga dahil matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood sa noontime show ng GMA.

“Yes I’m going back to Eat Bulaga very soon, just finishing the 2nd season of CashCab Philipiines for AXN? miss ko na kayo mga dabarkads!” sagot ng asawa ni Juday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending